^

Pang Movies

Loveteam nina Rhian at Glaiza, nami-miss

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na lang pag-arte at pag-host ng Taste Buddies ang pinagkakaabalahan ngayon ni Rhian Ramos dahil kamakailan ay inilabas niya ang pinakabago niyang single, ang Hear Me na mapapakinggan na ngayon sa Spotify.

Syempre, supportive ang fans niya at talagang kinukumbinsi siyang maglabas na rin nang bagong album. Meron ding mga fans na ibinabalik ang tambalan nila ni Glaiza de Castro at hinihiling na mag-duet ang dalawa! It would be such a treat kung mag-share sila ng stage one of these days, hindi ba?

Tom at Carla parang magkarugtong ang iniisip

Power couple na maituturing sina Tom Rodriguez at Carla Abellana dahil pareho silang namamayagpag sa kanilang careers at hindi naisasakripisyo ang oras nila sa isa’t isa.

Maswerte rin nilang maituturing ang sarili dahil nagkaroon sila ng pagkakataong magkatrabahong muli sa I Heart Davao.

Ang nakakatuwa pa sa kanila, parang in-sync na talaga ang kanilang mga naiisip. Sa isang panayam, pareho nilang binanggit ang magandang atake ng cinematic technique sa bago nilang show. Kumbaga ay “they finish each others’ sentences,” na kinaaliwan ng kanilang mga fans! Naibahagi rin nilang hindi na nga magkasintahan ang turing nila sa isa’t isa kundi “partners” dahil kaya nilang balansehin ang isa’t isa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with