^

Pang Movies

Anne at Erwan iba ang ipinunta sa France!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Marami ang nag-akala na nag-pre-wedding pictorial na sina Anne Curtis at fiancé na si Erwan Heussaff sa France kamakailan.

Nag-post kasi si Anne ng ilang photos nila ni Erwan na magaganda ang suot nila at maganda ang location.

Pero ang totoo ay um-attend lang sila ni Erwan, kasama ang mag-asawang Nico Bolzico at Solenn Heussaff-Bolzico ng wedding ng isang kaibigan nila roon.

Sinamantala na rin nilang apat ang magbakasyon sa magandang lugar ng Roscoff na matatagpuan sa northwest of France.

Maraming followers ni Anne ang nainggit sa suot nitong blue and white stripped dress by Self Portrait dahil ito ang same dress na suot ng Korean actress na si Bong Hee sa press conference ng Koreanovela na Suspicious Partner.

Marami ang nagwi-wish na sana ay pre-nuptial shoot na iyon nina Anne at Erwan dahil bagay na bagay sila sa location.

Pero ayon kay Anne, gugulatin na lang daw nila ang maraming followers nila kung kelan sila ikakasal ng fiancé niya.

Marami kasing tinatapos pa si Anne na trabaho niya. Tatlong pelikula ang gagawin niya, kasama na ang Buy Bust ni Direk Erik Matti; reunion movie with Richard Gutierrez at ang pagsasamahan nila ng isang Korean actor.

Habang nasa Roscoff, namasyal ang dalawang romantic pair at nag-selfie-selfie sa mga magagandang napuntahan nila.

As always, comedy pa rin ang dating nina Solenn at Nico, samantalang parang prinsipe at prinsesa naman sila Anne at Erwan.

Aktor na nagmamarunong, nilayasan ng direktor!

How true na nag-walkout daw ang isang director dahil hindi na niya matagalan na makatrabaho ang male celebrity na ito.

Ilang beses na raw na nagtitimpi ang director na ito sa hindi katanggap-tanggap na attitude ng male celeb. Kung sa panlabas daw ay kinaaaliwan siya, pero ang panloob daw nito ay kabaligtaran.

Kapag nagtatalo raw sila ng male celeb, parating may panakot ito sa director. Hindi na lang pina­patagal ni direk ang pakipagtalo sa male celeb dahil wala rin daw mangyayari. Ti­nitiis na lang daw niya ang ugali nito dahil may pinagsamahan naman daw sila kahit paano.

Pero dumating na raw sa point na sumosobra na ito at ang turing na nito sa mga katrabaho ay parang hindi na tama.

Kaya walang kaabug-abog na nag-walkout daw ito habang naglilitanya ang male celeb sa harap ng kamera.

Basta umuwi na lang daw si Direk at wala na siyang pakialam kung ano ang mangyayari sa nagmamarunong na male celeb.

Oscar best actor na si Daniel Day-Lewis inayawan na ang pagiging aktor

Tinuldukan na nga ng three-time Oscar best actor na si Daniel Day-Lewis ang kanyang pagiging aktor sa big screen.

Ayon sa publicist ng aktor, nakapagdesisyon na raw ito na titigil na pag-arte at gusto na niyang magkaroon ng pribadong buhay.

“Daniel Day-Lewis will no longer be working as an actor.

“He is immensely grateful to all of his collaborators and audiences over the many years,” ayon pa sa isang statement.

Nag-turn 60 years old na ang British/Anglo-Irish actor noong nakaraang April at tinapos lang niya ang huling pelikula niya na Phantom Thread na ipapalabas sa December 2017.

Nanalo ng kanyang first Oscar best actor si Daniel noong 1989 para sa pelikulang My Left Foot.

In 1997 ay nag-semi-retire ang aktor dahil may iba siyang gustong gawin bukod sa pag-arte. Lumipat siya sa bansang Italy para pag-aralan ang gumawa ng sapatos.

Pagkaraan ng limang taon ay muli siyang bumalik sa paggawa ng pelikula via Gangs of New York.

Noong 2007 ay napanalunan niya ang second best actor Oscar niya for There Will Be Blood.

In 2013, he won his third Oscar best actor para sa pelikulang Lincoln.

Ang iba pang acclaimed perfomances ni Daniel ay sa mga pelikulang In The Name of the Father, The Boxer, The Age of Innocence, The Crucible and The Last of the Mohicans.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with