^

Pang Movies

Walang binatbat ang mga artista’t pulitiko na nagyayabang sa social media Mommy D nagbenta ng branded bags, alahas para sa mga taga-Marawi

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ang ilang mamahaling bags ni Mommy ­Dio­nisia Pacquiao ay sinasabing ibinenta niya sa isang buyer na taga-Davao sa halagang 1.3 milyong piso. Hindi naman sinabi kung ang nag-iisang buyer ay isang negosyante rin. Dahil sa nga­yon, uso naman ang pagbili ng mga second hand bag na napakamamahal. Mayroon din daw siyang ilang alahas na ipinagbili, at ang napagbilhan ay umabot sa mahigit na tatlong milyong piso na ipadadala raw ni Mommy D bilang tulong sa mga biktima ng kaguluhan sa Marawi.

Kahit na ano pa ang sabihin ninyo kay Mommy D, kahanga-hanga ang ginawa niyang iyan.

Ang sabi niya, matanda na rin naman daw siya at hindi naman magagamit ang lahat ng mga bags at alahas na iyon na ibinigay sa kanya ng kanyang anak na si Manny Pacquiao.

Talaga namang tuwing umuuwi si Pacman, may pasalubong siya sa ermat niya. Iyon naman daw isa niyang anak na babae ay wala ring hilig sa mga ganoong bagay. Kaya naisip niya na ipagbili na lang iyon at maibigay sa mga nanga­ngailangan.

Hindi lahat ng tao, sabihin mo mang nuknukan ng yaman ay gagawa nang ganyan. Hindi kasama si Mommy D sa sinasabing among the richest sa Pilipinas. Hindi nagyayabang si Mommy D na siya ay isang top taxpayer. Pero tingnan ninyo, kung ano mayroon siya ipinagbili pa niya para sa mga kababayan natin. Eh iyong mayayabang diyan eh, nagbigay ba? Ang katuwiran siguro nila hindi na nila responsibilidad iyon dahil wala na sila sa puwesto.

Iyang mga kagaya ni Mommy D, iyan ang mga tahimik na bayani ng bayan na dapat parangalan. Kaya lang, baka naman iyong napagbilhan ng bag at mga alahas ni Mommy D kung kaninong kamay na naman bumagsak. Alam naman ninyo.

Awayang Ben Tulfo at Ed Lingao panira sa TV5

Ayaw sana naming pansinin ang hindi pagkakasundo ng dalawang malaking news personalities ng TV5 pero kalat na kalat na eh.

Binanatan nang husto ni Ed Lingao ang kasamahan din niya sa TV5 na si Ben Tulfo. Hindi namin kilala nang personal iyang si Ben Tulfo, ang nakasama namin noong araw na nagko-cover pa kami ng labor beat ay si Ramon Tulfo. Si Mon, kilala naming mabuting tao, at walang anomalya kaming nalalaman.   

Si Ed Lingao, kahit sinasabi niya na baguhan pa lang siya kung ikukumpara kay Tulfo ay may malawak nang kasanayan bilang reporter. Hindi news presenter si Ed Lingao, kagaya ng iba, na nagbabasa lamang mula sa script na ibinibigay sa kanila. Si Ed ay naging war correspondent pa noong araw, at may kasanayan sa newsgathering talaga.

Isa lang ang masasabi namin diyan, nalulungkot kami sa banggaan ng dalawang news personalities na iyan, lalo na’t magkasama pa sila sa iisang network, sa TV5.

Eh iyang news, iyan ang haligi ng TV5 kahit na noong araw pa na  Associated Broadcasting Corporation pa sila. Kaya nga associated eh, kasi naka-link iyan noon sa pinakamalaking diyaryo bago ang martial law, at iyang TV5 noon pa man ay kinikilalang number one pagdating sa news. Sana magkasundo na lang sila. Wala bang tao ang management na maaaring umareglo ng gulong iyan?

May hindi rin magandang epekto ang mga lumalabas sa image ng TV5 news.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with