^

Pang Movies

Pagbubuntis ni Heart malabo pa!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Sumisigaw ng katarungan ang fans ni Heart Evangelista nang “patayin” ang character niyang Alwina sa Mulawin vs. Ravena. Pasundut-sundot na nga lang daw ang appearance ng Kapuso Sweetheart sa GMA telefantasya, tinigok pa ang kanyang character, huh!

Naku, may bagong series si Heart na gagawin, ang My Korean Jagiya. Bidang-bida siya rito kumpara sa MVR na suporta na lang ang character niya, huh!

Eh, sa South Korea pa kukunan ang ilang bahagi ng programa ni Heart at kung totoo ang tsismis, isang Korean actor ang isa sa makakasama niya. As of now, ang makakasama niya sa MKK ay sina Janice de Belen, Ricky Davao at ang nagbabalik-Kapuso na si Edgar Allan Guzman.

Sa kanyang tweet, nagpasalamat si Heart sa GMA sa tiwalang ibinigay sa kanya ng GMA at sa lahat ng nagmamahal sa character niyang si Alwina. “I will never forget you #Alwina #MVRPaghanga.”

Sa pagkakaroon ng bagong show ni Heart, na-delay na nang na-delay ang pagbubuntis niya para sa anak nila ni Sen. Chiz Escudero, huh!

Jake Zyrus mas bumenta kesa kay BB

Counterpart ni Bb. Gandanghari (Rustom Padilla) si Jake Zyrus aka Charice Pempengco. Kapwa kasi nila “pinatay” ang totoo nilang pangalan upang isakatuparan ang kani-kanilang sexual preference.

‘Yun nga lang, tahimik si Bb. Maingay na maingay naman si Jake hanggang sa abroad. Inilabas ng people.com ang pagpapalit ni Charice ng pangalan dahil minsan ay na­ging bahagi siya ng ilang epi­sodes ng Glee musical.

Itinaon talaga ni Cha­rice sa buwan ng Pride Month ngayong Hunyo ang pagpapalit niya ng pangalan. Lalaking-lalaki ang dating nito.

Never naman kasi niyang i­pinagkaila sa interview kay Ophra Winfrey na, “My soul is a male.”

Barbie nagpaliwanag sa kalandian

Kilig finale na ang hatid ngayong gabi sa pagtatapos ng Meant To Be.

Base sa mga unang naglabasang ba­lita, umatras na si Jai, si Addy Raj, na siya ang piliin ni Billie, character ni Barbie Forteza.

Ibig sabihin, sina Ken Chan (Yuan), Jak Roberto (Andoy) at Ivan Dorschner (Ethan) ang nati­tirang matibay, huh!

Dahil sa kikay role niya, nais lang ipahatid ni Barbie na ayaw niyang maiwan sa isipan ng manonood na malandi siya porke apat na lalaki ang nag-agawan sa kanya sa series, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with