^

Pang Movies

Zia nina Dingdong at Marian idinadawit ng bashers!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kawawa naman na pati ang mga bata, isinasali sa mga intriga.

Nagtataka ako kung bakit pati ang inosenteng bata na si Zia, ang anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, idinadamay sa bashing?

Kahit ano ang sabihin mo laban kina Marian at Dong, okey lang pero super foul na isali ang isang bata na walang muwang at hindi alam ang mga nangyayari sa paligid.

Tama ba na pati ang childish acts ni Zia, pini­pintasan? Eh mas childish ang ugali na ipinakikita ng bashers ng bagets ‘ha?

Mabuti na lang, mahaba ang pasensya nina Dong at Yan dahil tiyak na magwawala ang isang magulang kapag pinintasan ang kanyang anak.

Hinahangaan ko ang mag-dyowa, lalo na si Dong na sobrang gentleman pero sure ako na deep inside, nasasaktan sila ni Marian.

Mga inaanak ko sa kasal sina Dong at Yan kaya parang second mother na nila ako.

Ako na ang nakikiusap na huwag idamay sa bashing si Zia na future superstar pa naman natin, tulad nina Scarlet Snow Belo at Zion Gutierrez. Sila ang babies ng mga celebrity at hindi naman nila kasalanan na mga sikat na personalidad ang kanilang mga magulang. Love, love lang tayo lalo sa mga babies na cute na cute at nagbibigay sa atin ng happiness.

Jake ni Charice, walang paliwanag!

Umapir sa isang US entertainment magazine ang news tungkol kay Jake Zyrus, ang bagong personality ng tomboyitang si Charice Pempengco.

Glee star pa rin ang introduction kay Charice dahil sa pag-apir niya noon sa sikat na US television show.

Normal lang ang mga violent reaction sa desisyon ni Charice na palitan ang pangalan dahil hindi naman niya puwedeng i-please ang lahat.

I-wish na lang natin na maging tagumpay ang pasya niya na palitan ang screen name dahil kilala pa rin siya ng mga tao bilang Charice.

I’m sure, tanggap ni Charice na affected ang kanyang singing career ng pag-amin niya na tomboyita. Walang dapat pagsisihan si Charice dahil siya naman ang gumawa ng kapalaran niya. Pinili niya na magpaka-mhin na hindi tanggap ng kanyang fans, lalo na ng lola niya na super emote.

Wala nang magagawa ang stage lola ni Charice dahil nasa hustong gulang na ito para gawin ang mga bagay na gustong gawin sa sarili. Sana lang, huwag matulad si Charice sa ibang mga celebrity na dumanas ng matinding depression dahil hindi nila na-handle nang maayos ang mga pagsubok na nararanasan.

Ma at pa ang sagot ko sa mga nagtatanong kung bakit Jake ang pinili ni Charice na bagong screen name niya.

Mabuti nga, hindi Daniel ang naisip ni Charice na name dahil palaging sinasabi na kaloka-like niya si Daniel Padilla.

At kung Daniel ang ginamit niya na pangalan, tiyak na hindi siya tatantanan ng fans nina Daniel at Kathryn Benardo.

Karagdagan si Charice sa listahan ng mga celebrity na Jake ang name, nandiyan sina Jake Cuenca, Jake Vargas at Jake Ejercito. Malaking hamon para kay Charice na patunayan sa madlang-bayan na iba siya sa mga Jake na tunay na mhin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with