^

Pang Movies

Miss U 2017 hindi na tuloy?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Hindi na tuloy sa ating bansa ang Miss Universe 2017.

Ito ang ibinalita ng Department of Tourism sa isang presscon kahapon.

Tama nga naman. Sa rami nang mga nangyayari sa bansa natin na kailangang bigyan ng prayoridad, may oras pa ba tayo riyan?

Saka mas mahirap ngayon ang security dahil nga sa nagaganap na conflict sa Marawi.

Saka may naitulong ba sa tourism industry natin ang ginanap na Miss U 2016?

Charice/Jake nasaid na ang ipon, mga ari-arian naglaho na rin daw

“Kung ang pangalan ay isa lamang hadlang sa pagpapalaya ng totoo mong pagkatao, wala akong nakikitang masama sa pag palit nito. #congratsjake,” ito ang mensahe ni National Youth Commission Chair person Aiza Seguerra sa singer na si Charice na ngayon nga ay Jake Zyrus na ang gamit na pangalan.

Tuloy ang pag-iingay ngayon ni Jake sa social media at asahan natin na pagkatapos nito ay muli siyang pag-uusapan dahil sa lovelife. Loveless ngayon ang tongriletang si Jake matapos layasan ng kanyang live in partner ng kung ilang taon.

Anyway, ibinunyag ng lola nito na si Lola Thess Pineda na nasaid na raw ang mga naipon ng kanyang apo.

Pati raw ang mga na-acquire nitong mga bahay at ilang naipundar ay naibenta na rin.

Alam din ng isang source na dati itong may dollar account pero balitang nalimas na rin daw ito.

Wawa ano? Ano pa kayang future na naghihintay kay Jake na dating si Charice?

Makabangon pa kaya siya kahit na pawang mga masasamang salita ang ibinabato sa kanya ng mga kapamilya niya?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with