^

Pang Movies

Enrique mas bagay daw na Baymax kesa Captain Barbell!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Enrique mas bagay daw na Baymax kesa Captain Barbell!

Enrique Gil

Ano ba naman iyang balitang iyan, si Enrique Gil din daw ay gagawa ng pelikulang tungkol sa superhero. Binabanggit nila iyong Captain Barbell. Dapat ba dahil ang ka-love team niyang si Liza Soberano ang gaganap na Darna, may super hero movie rin siya?

Ok naman si Enrique Gil. Siguro may mga fans naman siya para matiyak na kikita ang pelikula. Pero isipin ninyo, hindi ba masyadong chubby si Enrique para maging isang super hero sa pelikula? Kung may gagawin man silang super hero, siguro kagaya ni Matteo Guidicelli na fit ang katawan, o kahit si James Reid kahit na maliit, ayos naman ang katawan.

Ok naman si Enrique pero baka kung ganung character, masabihan siya ng “tabatsoy”. Baka may manukso pa sa kanyang Baymax ang gawin niyang character, pero hindi puwede dahil copyrighted iyon.

Charice isinumpa ng lola

Ano ba iyon, parang isinusumpa na si Charice Pempengco ng lola niyang si Thess Pineda. Sinasabing dahil sa pagpapalit ng pangalan, katomboyan at kung anu-ano pa, hindi na siya sisikat. Ang claim pa ng lola, idinasal niya iyon sa Diyos kaya sumikat si Charice, pero ngayong pina­ngangatawanan na niya ang pagiging tomboy na “ayaw ng Diyos” tiyak daw na babagsak na iyon.

Hoy hindi biro iyan ha. Matindi kung ang lola sumumpa.     

Xian ginastusan  ng milyun-miyon ng fans

“Kung hindi ka maipagpo-produce ng network, kami ang magpo-produce,” ganyan daw ang sinabi ng fans ni Xian Lim, na nagawa naman nila dahil magkakaroon nga siya ng concert sa The Theater at Solaire.

Matindi rin ang fans ni Xian Lim. Huwag na nating sabihing siguro, mayaman sila talaga, kaya nilang i-produce ang kanilang idolo.

Pero siguro naisip din nila, kung may ibang magpo-produce ng concert ay sila rin naman ang inaasahang magbayad para manood. Kung sila na lang ang magpo-produce, magagawa pa nila kung ano talaga ang gusto nilang mapanood talaga, kikita rin sila. Bawi ang puhunan at may tubo pa.

Hindi ba parang pelikula rin naman iyan. Ilang beses na naming narinig na gumawa sila ng block screening. Binibili nila ang lahat ng tickets ng sinehan at sila ang nanonood mismo. Kung iisipin, gastos iyon at hindi naman sila kumikita roon. Kung bibili na lang sila ng kanya-kanyang tickets, mas makakamura sila at makakapili pa sila kung anong oras nila gustong manood. Pero show of force nga iyon eh. Gusto nilang maipakita na suportado nila si Xian.

Iyan ang matinding fans. Hindi kagaya ng iba na nakikipagtungayawan sa internet, galit na galit kung sinasabing laos na ang artistang hinahangaan nila, eh hindi naman sila makapanood ng sine kaya pull-out agad iyon.

Hindi kami magtataka kung isang araw isipin din nilang mag-produce ng TV show o pelikula, at ipa-release na lang nila sa film company ni Xian. Kapag ganyan na ang fans, hindi mo na masusukat ang possibility at iyong maaari pa nilang gawin para sa kanilang idol.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with