^

Pang Movies

Solenn at Nico imbitado Anne at Erwan may mabilisang kasal?!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Solenn at Nico imbitado Anne at Erwan may mabilisang kasal?!

Anne Curtis at Erwan Heussaff

Magkasama pala sina Anne Curtis at Erwan Heussaff sa France. Sa mga unang posts kasi ng aktres, solo lang ang photo niyang pinu-post.

Pero sa post ni Anne sa Instagram nu’ng Miyerkules, bumulaga ang picture nila ng fiancé at ang caption na nakalagay ay, “mon amour.” Umaapaw ang pag-ibig at pagmamahalan sa litrato nilang ‘yon habang ang followers niya ay ang engagement ring na suot ni Anne ang napansin nila.

Sa isang banda, nakita namin sa post ni Nico Bolzico na asawa ni Solenn Heussaff, papunta rin sila sa France. Hmm, teka?

Nag-isip tuloy ang ilang netizens na malamang na magtagpo silang apat sa France! Ang alam namin, ten days ang hininging bakasyon ni Anne para wag munang mag-shooting ng Buy Bust.

Naku, gaya ni Solenn na biglang ibinalandra ang kasal nila ni Nico, following the footsteps of her soon to be be sis–in-law kaya ang gagawin ni Anne?

Look-alike ni Pia at baguhang artista matindi ang labanan sa Miss Manila

Hindi na solo ng Miss Manila 2017 candidate na si Sofia Sibug ang pagiging early favorite sa 30 kandidata. Artista kasi si Sibug kaya naman agad siyang pinagkaguluhan ng media nang magkaroon ng press presentation.

Pero beware si Sofia dahil umariba rin sa social media ang Pia Wurtzbach look-alike na candidate number 1 na si Glenn Aeela Krishnan, huh! Ina­kala nga ng marami na younger sister siya ng Miss Universe 2015 dahil sa mukha at tindig niya, huh!

Malalaman sa June 24, Araw ng Maynila, kung sino kina Sofia at Glenn ang mapuputungan ng korona ng Miss Manila 2017 na gaganapin sa PICC.

Bea mataba ang pakiramdam

Mataba pa rin ang tingin sa sarili ni Bea Binene. Feeling niya, payat na siya tuwing nagwu-work out siya.

Pero kapag nakikita niya ang sarili sa Mulawin vs, Ravena, feeling niya eh, kasing laki ng binti niya ang kanyang braso, huh!

Inaambisyon kasi ng Kapuso actress ang weight na 100 lbs. Dumanas na kasi siya ng panahon na grabe ang taba niya kaya ayaw na niyang maulit pa yon.

Mabuti na lang, nagsisilbi niyang guide at inspirasyon ang ka-loveteam na si Derrick Monasterio na kasama niya palagi sa pagbabawas ng timbang sa gym!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with