^

Pang Movies

Jake/Charice nasulsulan lang sa bagong pangalan!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Jake/Charice nasulsulan lang sa bagong pangalan!

Charice

Grabe si Jake Zyrus ha maingay sa social media.

Sa mga hindi pa aware, si Jake Zyrus ay ang singer na dating si Charice.

Nag-trending siya nung isang araw at kahapon ay pinag-uusapan siya dahil sa mga pahayag ng kanyang nanay at lola na kapwa galit sa ginawa ng kanilang kadugo.

Ang sabi ng lola ni Charice (ay ni Jake pala), nasusulsulan lang ang kanyang apo kaya niya ginawang magpalit ng pangalan.

Ang tanong, maging ka­sing ingay kaya ng pagpapalit niya ng pangalan ang nananamlay na career ni Charice este ni Jake?

Maaalang magkakaroon sana siya ng concert noong bago sila naghiwalay ng kanyang live in partner pero may mga nagkumpirma na iilan lang ang bumibili ng ticket kaya hindi na ito itinuloy.

Heart Evangelista

Heart makaka-first time sa Korea

Hindi pa pala nakakarating ng Korea si Heart Evangelista. Dinaig siya ni Nay Lolit Solis. Kaya excited siya sa gagawin niyang serye na My Korean Jagiya.

Korean actor ang makaka-partner niya sa nasabing series ng GMA 7 at sa Korea ang taping.

“All I know is I super am excited,” ang sabi ni Heart na may dalawang existing show sa GMA - Follow Your Heart and Mulawin at Ravena.

Usung-uso ngayon ang K-drama at sana naman ay ‘wag nilang matabunan ang  local shows and actors natin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with