^

Pang Movies

Kapamilya ni Richard umayaw muna sa trabaho

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Big day para sa Gutierrez family ang June 19 dahil ito ang pilot episode ng La Luna Sangre kung saan ay parte ng powerhouse cast si Richard Gutierrez.

Bilang suporta kay Chard, sa June 19 ay kinan­sela lahat ng pamilya Gutierrez ang kanilang lakad at sama-sama silang manonoood sa bahay ng pilot episode ng LLS.

As we all know, first TV series ni Chard sa ABS-CBN ang LLS at ito rin ang kanyang comeback sa primetime TV after quite sometime. At hindi naman basta-basta role ang ibinigay sa kanya sa kanyang paglipat bilang Kapamilya kung hindi isang major role na aniya ay “I’d be stupid to refuse”.

Mapapanood na sa pilot episode si Ri­chard along with Angel Locsin and John Lloyd Cruz. Sa second week naman ay mapapanood na ang mga bidang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Awra pinapaaral ang ama

Sobrang nakakabilib si Awra Briguela dahil siya na ang nagpapa-aral sa kanyang ama na si Oneal Brian Briguela. Gusto ni Awra na magkaroon ng degree ang kanyang ama na natigil nu’ng mawalan ng trabaho.

Hindi mapigilan ng kanyang ama ang ma­paluha sa tuwa at aminado siya na baligtad na ang nangyayari. Balik- eskuwela siya dahil sa anak.

Pero para rin sa future ng pamilya nila ang ginagawa niyang pag-aaral.

Matatandaang nagsimulang sumikat si Awra sa FPJ’s Ang Probinsyano at hanggang ngayon ay patuloy pa siyang napapanood sa ser­yeng pinagbibidahan ni Coco Martin and we just wish na magtuluy-tuloy pa ang karakter niya sa show lalo pa nga’t may pinapaaral siya.

Ikaw… namamayagpag

Panibagong yugto ng kanilang buhay ang hinaharap ngayon nina Gabriel (Gerald Anderson) at Bianca (Kim Chiu) matapos silang piliin bilang tandem at endorser ng energy drink na Tigershark na pagmamay-ari ni Carlos (Jake Cuenca), dahilan para mas tumindi ang galit nito kay Gabriel sa Kapamilya noontime series na Ikaw Lang ang Iibigin.

Unti-unti nang natutupad ang mga pangarap ng magkakabata at ngayo’y nakikilala nang triathletes na sina Gabriel at Bianca sa pagkakataong ipinagkaloob sa kanila ni Roman (Michael De Mesa), ang ama ni Carlos na kumakatawan sa Tigershark. Ngunit matindi ang pagtutol dito ni Carlos, na iniisip na mas karapat­dapat siya maging endorser ng sa­ri­­ling kumpanya. Dahil dito, mas magiging ma­init ang tapatan nila ni Gabriel at patutunayang wala itong lugar sa kanyang kumpanya at sa puso ni Bianca.

Samantala, patuloy naman ang pamamayagpag ng serye sa national TV ratings sa pagtala nito kamakailan ng national TV rating na 17.8%, ayon sa datos ng Kantar Media noong Martes (Hunyo 13).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with