^

Pang Movies

Tom at Carla may tutuparin muna bago pakasal

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Tatlong taon din na hindi nakasama ni Carla Abellana ang boyfriend na si Tom Rodriguez sa isang teleserye.

Noong 2014 pa ang huling pagtambal nila sa GMA teleserye na My Destiny. Ngayon ay nasulit naman ang paghintay nila dahil nagkasama pa sila ngayon sa dalawang teleserye, sa Mulawin vs. Ravena at I Heart Davao.

‘Yun nga lang ay tapos na ang role ni Tom sa MVR dahil namatay na ang character niya doon.

Para kasing ang hirap ibalik ang role ni Tom sa MVR kasi nabaril siya ng machine gun. So napuruhan talaga siya. But we don’t know what will happen, ‘di ba? It’s a teleserye and anything can happen.

“Kaya mabuti at meron kaming I Heart Davao that we made for GMA Public Affairs.

“We shot it in the beautiful province of Davao. Mga 17 days din kami roon nag-shoot. Very light ito at hindi masyadong mabigat. May mga kilig moments kami ni Tom dito,” sey pa ni Carla.

Ginawa raw nila Carla ang I Heart Davao pagkabalik ni Tom mula sa Amerika pagkatapos ng libing ng ama nito.

“Tom worked agad after he returned from the States.

“I know na he was still feeling down that time, pero bilib ako sa kanya kasi he was able to work on two projects pa.

“Nasa States pa lang naman si Tom, I always made him feel my support for him and his family.

“Physically, I can’t be there kasi, so I was always calling him up para kumustahin siya.

“I know he was grieving and I can feel that kapag nag-uusap kami.

“I always tell him that God has a reason kung bakit kinuha na ang dad niya. And he is in a better place now.

“Kaya noong nagte-taping na kami sa Davao, I make it a point na pasayahin siya kasi there are moments na tahimik lang si Tom. Gusto kong maalis muna siya sa sad stage na iyon and make him feel na things will get better kasi he is surrounded by people who love and supports him.”

Wala pa raw planong magpakasal sina Tom at Carla dahil marami pa silang gustong matupad sa career at bucket list nila.

Batman star na si Adam West pumanaw na

In mourning na naman ang Hollywood dahil pumanaw na ang iconic Batman of the ‘60s na si Adam West.

Pumanaw ang aktor dahil sa sakit na leukemia sa edad na 88.

Naging signature role ni Adam ang role na Bruce Wayne, ang alter ego ng crime-fighting hero na si Batman na naging isang hit TV series noong 1966 hanggang 1968.

Kahit na nakatatlong taon lang ito sa ABC network, nagkaroon ito ng lifelong syndication dahil sa cult following nito.

Ultimo si Adam ay ginagawang joke na ang pagiging Batman niya sa ilang mga comedy series tulad ng The Big Bang Theory kunsaan nag-guest siya as himself.

Ipinanganak si Adam West bilang William West Anderson sa Walla Walla, Washington at nakatapos ito ng degree in literature and psychology from Whitman College.

Nagtrabaho siya bilang isang disc jockey at marami na ang pamilyar sa boses niya na naging daan kung bakit siya kinuha sa Batman role.

May ginawa kasing TV commercial si Adam for Nestle’s Quik kunsaan siya si Captain Quik. Dahil sa commercial na iyon kaya siya nakuha bilang Batman.

“I knew after 20 pages it was the kind of thing, the kind of comedy, I wanted to do. When you wear a mask and funny tights ... it gets a little frustrating from time to time. I was turned down for a number of parts over the years, I feel, because of that.

“Wherever I go in the world, there’s such a wonderful rapport with our Batman that it’s neat. People come up and play entire scenes for me unsolicited, but I got to laugh. ... How lucky can a person get to be part of something that is a classic?” sey pa ni Adam sa isang interview.

Noong 2012 ay nabigyan si Adam West ng kanyang sariling star sa Hollywood Walk of Fame.

“I think I have the record as the actor who has waited the longest to get his star on the sidewalk,” biro pa ni Adam West noong tanggapin niya ang karangalan five years ago.

Kris type maging kumpare si Aljur

Sa buwan ng July manganganak si Kylie Padilla sa baby boy nila ni Aljur Abrenica.

At dahil dating ka-loveteam ni Kris Bernal si Aljur, willing daw siyang maging ninang sa baby nila.

Wala raw nakikitang problema ang bida ng GMA afternoon teleserye na Impostora dahil never daw naging sila ni Aljur dahil hanggang sa mga teleserye lang daw ang tambalan nila at never in real life.

“Oo naman, gusto ko nga eh. Hinihintay ko nga na sabihan ako.

“Ako naman, love ko ang mga babies kaya gusto kong mag-ninang talaga. Tawagan lang ako ni Aljur at hindi ako tatanggi,” ngiti pa niya.

Matagal na raw silang hindi nagkakausap ni Aljur, pero parating pinapaabot ni Kris ang kanyang suporta rito at sa ina ng kanyang magiging anak na si Kylie.

“Hindi ko pa nakakausap si Aljur, pero kapag in-invite ako, why not?

“Wala naman problema sa kanila. Hindi naman ako against sa relationship nila.

“Noong malaman ko na sila na, na­ging supportive ako sa kanila.

“At the same time, si Aljur, kilalang-kilala ko ‘yan.

“Mata-touch ako kapag binigyan ako ng ganung responsibility. Pero wala pa naman sa ngayon,” pagtatapos pa ni Kris Bernal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with