^

Pang Movies

Tonton ligwak sa serye, Paulo at Ritz may kasalanan!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Tonton ligwak sa serye, Paulo at Ritz may kasalanan!

Tonton Gutierrez

Sad si Tonton Gutierrez dahil nawala siya sa cast ng Haplos, ang coming soon afternoon teleserye ng GMA 7.

Dumalo sa story conference ng Haplos si Tonton at lumabas na ang mga publicity photo pero inalis siya sa cast dahil hindi pa naipalalabas ng ABS-CBN ang The Promise of Forever.

Nag-worry kasi ang GMA 7 na baka magkasabay ang airing ng Haplos at ng The Promise of Forever kaya hindi ko sila masisisi sa naging desisyon nila. Nag-promise naman ang Kapuso Network na bibigyan ng mga television guesting si Tonton na nalungkot sa nangyari dahil type na type niya ang project.

Noong isang taon pa nag-taping si Tonton para sa The Promise of Forever pero walang katiyakan kung kailan ito ipalalabas ng Kapamilya Network.

Sina Rocco Nacino at Sanya Lopez ang co-stars sana ni Tonton sa Haplos. Sina Paulo Avelino at Ritz Azul naman ang mga kasama niya sa The Promise of Forever.

Glydel tuloy ang raket

Kahit natsugi si Tonton sa Haplos, hindi naman nawawalan ng project sa GMA 7 ang kanyang misis na si Glydel Mercado.

Mapapanood si Glydel sa local adaptation ng My Love from the Star na umere na kagabi.

Starring sa My Love from the Star sina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva.

Stage mother ni Jennylyn ang role ni Glydel pero hindi sila magkamag-anak sa tunay na buhay. Nagkataon lang na parehong Mercado ang mga apelyido nila. Screen family name ni Glydel ang Mercado samantalang Jennylyn Mercado ang real name ni Jennylyn.

Bong walang kupas ang pagiging romantiko

Lumitaw uli ang pagiging romantic ni Bong Revilla, Jr. nang i-celebrate nila ni Lani Mercado ang kanilang 31st wedding anniversary noong Linggo, May 28.

Natunaw ang puso at kinilig ang mga hopeless romantic nang mabasa nila ang wedding anniversary message ni Bong para sa kanyang loving wife.

“Thirty one years. Has it really been that long Mama?”ang umpisa ng kilig-to-the-bones message ni Bong.

“I can still remember that cool spring day like it was yesterday, the smell of the grass and flowers, and thinking to myself how I am the luckiest man in the world.

“Lalo pa ngang gumanda ang araw nang makita kita patungo sa akin para humarap tayong dalawa sa Panginoon upang magsimula ng buhay mag-asawa at magkaroon ng pamilya.

“Time may have quickly passed, with our children now fully grown with their own lives as well, but for me Mama, everything remains the same.

“The love I offered you more than 3 decades ago is the same love I have for you now, which if at all, has just grown even more throughout the years.

“I am as thankful today as I was then to have you. I have said before, and I will not get tired of saying, that you and our children are God’s greatest gifts and blessings to me. I will continue to love you and cherish you.

“During these difficult times, tandaan mo Mama, na lagi mo akong kasama. Wala man ako sa iyong tabi, lagi kang nasa aking dalangin, puso, at isipan. Marami na tayong pinagdaanan, at tulad ng lagi, sigurado akong malalampasan at mapagtatagumpayan din natin ito.

I love you Mama. Happy Anniversary!”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with