^

Pang Movies

Ginalingan kasi Alden naiyak pagkatapos gilingan ni Maine!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ilang beses hindi napigil ni Pambansang Bae Alden Richards ma­ging emosyonal habang nagpapasalamat siya sa lahat ng bumuo at sumuporta ng kanyang first major solo concert na ginanap sa Kia Theater last Saturday, May 27, ang Upsurge.  Pero ang gabing iyon ay inialay niya para sa kanyang namayapang ina na si Mommy Rosario “Rio” Reyes Faulkerson na hanggang sa ngayon, hindi niya nalilimutang banggitin lalo na kung may kina­laman ito kung paano siya nito hiniling na mag-artista ang anak. Gusto raw ni Mommy Rio noon na siya ang maging Sergio sa Marimar pero hindi nga nangyari.

“Kung narito pa siya, tiyak na natutuwa siya, pero alam ko, narito pa rin siya at binabantayan niya ako,” sey ng teary-eyed na si Alden.

“Nine years na iyon, pero kapag naiisip ko si Mommy, at kung ano na ako ngayon, hindi pa rin ako maka-move on. Siguro naiintindihan ako ng mga taong nawalan din ng mahal sa buhay.”

Hindi na namin nabilang kung ilan ang kinanta ni Alden at production numbers na ginawa kasama ang mga special guests niyang sina Jerald Napoles, Mark Herras, Kris­toffer Martin, Rodjun Cruz, Raymund Ma­rasigan, at Janno Gibbs.

Pero alam mong ang paglabas ng very special guest ni Alden, ang better half ng love team na si Maine Mendoza, ang inabangan ng lahat. Sigawan at palakpakan nang lumabas na ang dala­wa at ginawa nila ang mala-sensual/interpretative dance number.  

Hindi doon natapos ang pagsa­sama ng dalawa dahil kinanta pa nila ang paborito nilang song ng Coldplay, ang Yellow. Hindi rin nawala ang Wish I May song na nagbigay ng Diamond Record award kay Alden at ang paboritong song ng AlDub Nation na pinasalamatan din nang husto ni Alden, ang God Gave Me You.

Magkakaroon ng replay very soon ang Upsurge na idinirek ni Louie Ignacio sa SNBO ng GMA 7. Got news na pagdating ni Alden sa bahay nila sa Nuvali, Sta. Rosa City, Laguna, doon siya umiyak nang umiyak kay Daddy Bae, overwhelmed sa pangyayari at labis-labis ang pasa­salamat sa lahat. 

Loveteam nina Gil at Jennylyn hahatulan na

Mamayang gabi na huhusgahan ang bagong team-up ni Jennylyn Mercado at ng newcomer na si Gil Cuerva sa Pinoy adaptation ng Korean romantic-comedy series na My Love From The Star na idinidirek ni Bb. Joyce Bernal. Nag-promote sina Jen at Gil sa Sunday PinaSaya at mukhang click agad sila sa fans, at mukhang game na game nang makipagkulitan at magpatawa si Gil nang mag-join sila ni Jen sa skit ng show, na kasama sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Jerald Napoles.

Gaganap ngang isang alien na naligaw sa mundo natin si Matteo Domingo (Gil), na hinahanap ang kanyang ama. Pero sa halip na makita niya ang ama, ang nakita niya ay ang artistang si Steffi Chavez (Jen) na feeling sikat at superstar pero hindi naman matalino.

Ang My Love From The Star ay mapapanood na mamaya, pagkatapos ng Mulawin vs. Ravena.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with