^

Pang Movies

Anak nina Dingdong at Marian, na-master na ang pictorial

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Anak nina Dingdong at Marian, na-master na ang pictorial

DongYan at Zia

Ang cute ng picture ni Dingdong Dantes at ng kanyang anak na si Zia na cover ng isang English magazine para sa Father’s Day sa susunod na buwan.

Marunong nang mag-pose si Zia sa harap ng photographer kaya hindi mala­bo na balang-araw, sundan din niya ang yapak ng kanyang popular pa­rents bilang may showbiz blood siya.

Habang lumalaki, lalong nagi­ging cute at smart si Zia kaya todo ang pag­kahuma­ling sa kanya nina Dingdong at Marian.

Manay Ichu at former house rep Gina de Venecia, faney din ng mga Koreanovela

Nakatanggap ako ng phone call noong Sabado mula kay Manay Ichu Maceda dahil nabasa niya ang report ni Papa Ricky Lo tungkol sa pagbisita ni Kim Soo Hyun sa Pilipinas at ang pagiging fangirl ko.

Nang tawagan ako ni Manay Ichu, saka ko lang nalaman na fan din pala siya ng mga Koreanovela, pati na ang kapatid niya, si former House Represen­tative Gina de Venecia.

Ikinuwento ni Manay Ichu na nagpunta pa sila ni Manay Gina sa South Korea, early this year, at nag-tour sa set ng kanilang mga favorite Koreanovela. Sosyal ‘di ba?

‘Yun nga lang, ibang Korean actor ang favorite ni Manay Ichu, hindi sina Kim Soo Hyun at Song Joong-ki.

Katulad ng ibang Koreanovela fans, nanghihinayang si Manay Ichu dahil huli na nang malaman niya ang pagbisita ni Kim Soo Hyun sa Pilipinas.

Definitely, may balak sina Manay Ichu at Manay Gina na bumalik sa South Korea at baka isama nila ako.

Song Joong-Ki dadalaw sa ‘Pinas dahil sa pizza

Ang dami na talaga ng mga nangungulit sa akin tungkol sa pagdalaw ni Song Joong-ki sa Pilipinas sa November 2017.

Sa mga nagdududa sa report ko, wait n’yo na lang ang November dahil sure na sure ang source ko na dadalhin si Song Joong-ki sa ating bansa ng Domino’s Pizza.

Sina Song Joong-ki at Park Bo Gum ang mga celebrity endorser sa South Korea ng Domino’s Pizza pero si Song Joong-ki lang ang bibisita sa Pilipinas.

Hindi kasi ako sure kung true or false ang tsismis na na-trauma si Park Bo Gum nang magbakasyon ito sa Cebu City noong October 2016 dahil dinumog siya ng Pinoy fans.

Alden kumanta ng gospel songs sa concert

Ipalalabas sa TV ang Upsurge concert ni Alden Richards at siyempre, sa GMA 7 ito eere dahil ito ang mother studio niya.

Si Louie Ignacio ang director for television ng successful concert ni Alden.

In full force na nanood ang pamilya ni Alden sa Kia Thea­ter noong Sabado mula sa kanyang lolo, lola, tatay, at mga kapatid.

Cry me a river si Alden nang pasalamatan nito ang lahat ng mga tao na may kinalaman sa pagsikat niya. Special mention si Rosario Faulkerson, ang nanay ni Alden na nagkumbinsi sa kanya na pumasok sa showbiz.

Sa kasamaang palad, hindi na nakita ni Rosario ang pagsikat ng kanyang anak dahil binawian siya ng buhay, nine years ago pero marami ang naniniwala na sumikat si Alden dahil nakabantay pa rin ang nanay niya.

Inalayan ni Alden ng kanta ang kanyang ina. Hindi rin niya nakalimutan na awitin ang kanyang favorite gospel songs bilang pasasalamat at pagpupugay sa Panginoong Diyos na patuloy na nagbibigay ng mga blessing.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with