^

Pang Movies

Star Olympics ibabalik ni Robin!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang pakialam si Imelda Papin kahit siya ay batikusin na wala siyang kakayahang pamunuan ang Actors’ Guild o KAPPT (Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon).

Todo-effort si Imelda sa paghahanda ng isang concert na gaganapin sa Sky Dome ng SM North EDSA sa June 3, ang A Night With The Stars.

Marami siyang pina­kiusapan na magpunta.

Nagsabi raw sina Toni Gonzaga at Coco Martin na sila ay makakadaan.

Magaling mag-handle ng grupo si Imelda katuwang si Amay Bisaya.

May proyekto ring Star Olympics na pangangasiwaan naman ni Robin Padilla. Tulung-tulong talaga para sa ikauunlad ng samahan.

Bubog, nakaka-stress!

Mabuti na lang kahit tatlong araw lang daw sina Beth Oropesa, Jackielou Blanco, Janice Jurado, at Juan Rodrigo ay nagawa nilang pag-usapan ang tema ng pelikulang Bubog directed by Arlyn Dela Cruz.

In all fairness, magagaling naman ang mga baguhan sa casting kaya lang pulos ‘the who’ pa sila, ibig sabihin, ay hindi pa kilala.

Puro barilan at patayan ang mga eksena kaya medyo na-stress kami sa lungkot dahil ganito pala buhay ng mga lumapag sa droga.

Dagdag pa sa stress ay nang lumindol noong araw na kami ay nanood.

Doble ang takot naming nadama. Maging ang mga beki na naroroon ay naging tunay na lalake noong lumindol sa pag-uunahan sa hagdanan para makababa.

Mabuti na lang ay tapos na ang pelikula nang lumindol or else, tiyak na malaking gulo dahil sa panic ng mga tao. Thank you Lord.

Barbara wish matuloy sa serye ni Coco

Simple lang pero masaya ang birthday celebration ni Barbara Milano na ginanap sa Talavera, Nueva Ecija.

Sana raw ay matuloy ‘yung narinig niyang inihahanap siya ng role ni Direk Toto Natividad para sa hit series na FPJ ‘s Ang Probinsyano dahil hinahangaan niya noon pa ang namayapang si Fernando Poe, Jr.

Rufa Mae laging kausap ang baby

Masaya rin ang birthday ni Rufa Mae Quinto. Kahit wala siyang bonggang party, kasama naman niya ang kanyang loving baby.

Napakasarap daw pala ng may anak.

Palagi silang nag-uusap kesehodang hindi sila magkaintindihan.                             

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with