^

Pang Movies

Gil umaming may karanasan sa mga bading

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Madaling naka-adjust si Gil Cuerva, ang new leading man ni Jennylyn Mercado sa Pinoy adaptation ng Korean romantic-comedy series na My Love From The Star (MLFTS) with the entertainment press after ng grand launch nila sa Studio 7. 

Nang ipakita sa trailer iyong may shower scene siya, biniro siya kung ready na ba siyang pagpantasiyahan ng mga bading.  Ayon sa baguhang aktor ay ready na siya dahil hindi raw naman siya homophobic. Nasa modeling world siya at sanay na siyang kasama ang mga gay stylists, make-up artists at marunong daw naman silang rumispeto. Marami rin daw siyang gay friends.

Hindi rin ikinaila ni Gil na nagkaroon na siya ng indecent proposal pero hindi raw siya nag-entertain nito, mas gusto raw niyang kumita ng pera in an honest way.

Naniniwala rin siyang may future siya sa showbiz basta husayan lamang niya ang anumang ibibigay na role sa kanya.

“Bilang si Matteo Domingo, pinag-aralan ko ang character niya. Hindi naman ako nahirapan dahil very supportive ang mga kasama ko sa cast, especially si Jennylyn. Kapag kaeksena ko siya, nadadala niya ako,” banggit ni Gil.

Sa Monday na, May 29, ang pilot episode ng My Love From The Star na dinidirek ni Bb. Joyce Bernal, pagkatapos ng Mulawin vs Ravena.

Maine inaya ng honeymoon si Alden

Parehong emotional nina Alden Richards at Maine Mendoza sa final episode ng Destined To Be Yours na nag-trending number one nationwide and worldwide noong Friday, May 26. 

Kahit sa Twitter, muli silang nagtala ng almost two million tweets. Pero masaya sila sa marriage vows nina Alden at Maine na hinayaan pala sila ni Direk Irene Villamor na mag-adlib at sabihin ang gusto nilang sabihin sa isa’t isa. Kung seryoso si Alden sa vow niya, pinasaya naman ni Maine ang vow niya na ginamit niya ang tawag ni Gardo Versoza kay Benjie sa soap na “tukmol” at ang birong tawag niyang “yabs” kay Alden na ang ibig sabihin ay mayabang. Pagkatapos noon ay agad na niyang inaya si Alden na mag-honeymoon.

Pero after ng airing ng finale episode, nag-post agad si Maine ng pasasalamat sa kanyang Facebook page: “And just like that... Destined To Be Yours has finally ended. Maraming salamat po sa lahat ng tumutok at sumuporta hanggang dulo! Sa mga natuwa at kinilig, pati na din sa mga nainis at nagalit pero nanatiling nakakapit... maraming salamat!

“To the whole cast, staff, and crew.. maraming salamat sa inyong lahat! It has been a roller coaster ride for us but we all made it through. As Sinag would always say, ‘Laban lang, kahit saang aspeto o problema na tinatahak sa buhay, laban lang nang laban!’ I hope I get to work with you all again someday! But for now, thank you for making my first teleserye experience memorable.

“Sinag Obispo now signing off.  Hanggang sa muli, mga Kapuso!”

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with