^

Pang Movies

Kris napipi na sa Hollywood movie!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Wala pang reaction  si Kris Aquino sa kumakalat na balitang isusulong siya ni Quezon City Mayor Herbert Bautista bilang kanyang kandidato sa posisyong kanyang mababakante sa susunod na eleksyon.

Kris may be so busy thinking of a strategy on how to revive her popularity as a TV star, especially. One year na exactly mula nang magtapos ang kanyang programang Kris TV sa ABS-CBN.

Hindi masyadong ‘kinagat’  ng TV audience ang ginawa niyang tv special, Trip Ni Kris, on GMA 7. Balita ring pababa nang pababa ang viewership ng kanyang online show, The Kris List.

By the way, ba’t nga kaya wala nang balita tungkol sa pelikulang diumano’y gagawin niya sa Hollywood?

Again, nagtatanong lang, Salve A.

Ian, six lang nang makatrabaho si Direk Gil

Anim na taon lang si Ian Veneracion nang piliin siya ng namayapang si Direk Gil

Portes para gumanap na anak ni Lipa Representative Vilma Santos-Recto sa pelikulang Never Ever Say Goodbye, na produced ng Solar Films ni Wilson Tieng.

Hango ang titulong Never Ever Say Goodbye sa awiting pinasikat ni Nonoy Zuñiga, who now reportedly reside in the U.S with his family, na ang may likha naman ay ang kamamatay lang na music composer at recording star na si Willy Cruz.

Nasa 40s na ngayon si Ian na labis na hinahangaan sa kanyang role bilang leading man nina Bea Alonzo at Iza Calzado sa top series na A Love To Last.

Ayon pa sa aktor ay gusto pa sana niyang ma­ka­tra­ba­ho si Direk Gil.

“But I guess, all I can do now is pray that he rest in peace,” ani Ian.

Ate Vi hindi malimutan ang Ms. X

Dalawang beses din pala, Salve A.,  nai-direk ni Direk Gil sa pelikula si Cong. Vilma Santos Recto.

Bumida siya sa Ms. X na kinunan ang kabuuan sa Amsterdam.

Natatandaan ni Ate Vi na pagkatapos ng isang buwan na filming ng Ms. X sa Amsterdam, ipinasyal sila kasama ng leading man noon na si Mark Gil, the rest of the cast, the production staff, ni Direk Gil, with the permission of their producer then, Jesse Ejercito, younger brother ni Manila Mayor Joseph Estrada, sa Rome, Paris at Vienna Austria.

No wonder na hindi raw kahit kelan, makakalimutan ni Ate Vi si Direk Gil especially in her prayers.

Amen, Ate Vi.

Sen. Ralph pangatlo sa pinakamadatung na senador

Of Ate Vi, sa kasalukuyan, where her political career is concerned, wala raw siyang balak na tumakbo sa higher office. She might even consider daw quitting politics and concentrate sa pagiging artista.

Pag-amin ni Ate Vi, hindi na siya bumabata. At marami pa raw siyang frustrations bilang artista. Kabilang na, of course, ang gumanap bilang isang babaeng Muslim sa pelikula man, o TV.

By the way, how true na based daw sa SALN (Statement of Assets, Liabilities and Network) filed by Senator Ralph Recto, Ate Vi’s husband, siya ang lumalabas na third richest senators sa kasalukuyan. Kasunod siya nina Senator Cynthia Villar and Manny Pacquiao, na ang rank bilang pinakamayamang Senator ay number one  and two.

Ganun pa man, while daw Senator Cynthia and Manny’s assets are in billions, well, millions lang ang kay Senator Ralph.

Hoy Salve A., nagtatanong lang tayo.

Gab gusto na ring mag-direk

Pagkatapos ng kanyang pag-apir sa reality game program na I Can Do That, wala raw munang balak si Gab Valenciano na tumanggap ng another show.

Gusto raw niyang i-focus henceforth ang kanyang attention sa hangarin niyang maging direktor sa pelikula. Well, good luck, Gab.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with