^

Pang Movies

Heart pinatay na sa Mulawin?!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Tampulan na naman ng bashing si Heart Evangelista. Hindi pa rin maka-get over ang kumakalaban sa kanya pagdating sa costume niya sa Mulawin vs. Ravena.

May lumabas pa ngang isang posts sa social media na nag-last taping day na raw siya sa MVR. Pinatay na umano ang character niya bilang Alwina dahil sa kaartehan niya.

Si Heart naman, dedma at chill lang sa non-stop na batikos sa kanya. After all, may tumitira man sa kanya, meron din namang dumidepensa, huh!

Rocco nag-emote sa kinain na scorpion

Natupad ang isa sa bucket list ni Rocco Nacino, ang makakain ng scorpion. Kasalukuyang nasa Thailand ang Kapuso actor at nagbabakasyon bago simulan ang bagong series.

Natawa na lang si Sanya Lopez sa post ni Rocco sa kanyang Instagram na nakatusok ang scorpion sa isang stick na pinagmamalaki niya.

“I did it, finally. And it actually tastes good. Eat a check off my bucket list,” caption ni Rocco. Hindi nga lang mawari ng followers ng aktor kung type niya ang lasa ng kinain na alakdan, huh!

Luis misinterpreted sa paggamit ng bata

Na-misinterpret si Luis Manzano ng isang netizen sa nakaraang post niya sa kalagayan ng kanyang na-fracture na paa.

May kasama kasing video ang photo na ‘yon ni Luis kaya pina-swipe niya sa follower niya. Sa video, hayun ang isang halos sanggol na putol ang paa pero buong tapang na lumalakad na may saklay.

Tinira ‘yon ng isang netizen. Dapat daw may permiso ang parents ng batang pinost niya.

Eh mukhang hindi naintindihan ng netizen ang nais iparating na mensahe ni Luis. Kumbaga, ayaw niyang mareklamo sa nararamdaman niyang hirap sa baling paa dahil may iba pang tao na mas worse ang sitwasyon pero hindi natatakot lumaban, huh!

Tinugunan ni Luis ang netizen na ito pero mas maraming followers ang nanlait dito na hindi naintindihan ang nais iparating na mensahe ni Luis.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with