^

Pang Movies

Song Joong Ki sure na ang pagbisita sa Pinas!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kinabog ako ng pamangkin ni Kim Lee, ang pamangkin ni Papa Ricky Lo ng Philippine Star.

Mas matindi ang pagiging faney ni Kim dahil nagpunta pa siya sa South Korea para magpa-picture sa set ng My Love from the Star, ang hit Koreanovela ni Kim Soo Hyun.

Dahil hindi niya na-meet nang personal si Kim Soo Hyun, nakuntento na lang si Kim na magpalitrato sa tabi ng lifesize standee ng Korean heartthrob.

Ni sa panaginip, hindi inisip ni Kim na darating ang takdang panahon na makikita niya, in person, si Kim Soo Hyun pero sa Pilipinas, hindi sa South Korea at nangyari ito sa launch ng QLED TV ng Samsung.

Pinaghandaan ni Kim ang event dahil hindi cellphone camera ang ginamit niya sa pagkuha ng pictures ng kanyang tukayo. May bitbit na camera si Kim kaya mas malinaw at maganda ang mga litrato niya.

Take note, nagtatrabaho si Kim sa isang bangko pero nag-leave siya noong Biyernes para lang makita nang personal ang hinahangaan niya na Korean actor.

Hindi pa ako nakaka-recover sa pagkikita namin ni Kim Soo Hyun pero kinukulit na ako ng fans dahil sa news ko na darating din sa Pilipinas ang aking ultimate favorite Korean actor na si Song Joong Ki.

Kaloka ang fans na hindi ako tinitigilan. Paano ko raw nalaman na darating sa Pilipinas sa November 2017 si Song Joong Ki? Ano raw ang exact date, saan ang venue at bakit bibisita sa bansa ang star ng Descendants of the Sun?

My lips are sealed tungkol sa ibang mga impormasyon pero very reliable ang source ko dahil konektado siya sa kompanya na magdadala kay Song Joong Ki sa Pilipinas.

Sa mga sobrang curious, paghandaan n’yo na lang ang pagdating ni Song Joong Ki sa November dahil too early pa para sabihin ko ang ibang mga detalye.

Lalong minahal si Kim Soo Hyun ng Pinoy fans nang sabihin ko na mabait at magalang siya.

Hindi raw sila nagkamali sa pagpili ng Korean actor na susuportahan kaya hoping sila na babalik sa Pilipinas si Kim Soo Hyun.

Sinabi naman ni Kim Soo Hyun sa Samsung presscon na pangalawang beses na niya sa Pilipinas pero bagets pa siya nang magbakasyon sila ng kanyang mga magulang sa bansa natin.

Hindi nakalimutan ni Kim Soo Hyun na i-plug sa presscon ng Samsung ang coming soon Korean movie niya, ang Real.

Hindi binigyan ng chance ang invited press na magtanong kay Kim Soo Hyun or else, aabutin ng maghapon ang event dahil sa rami ng mga gustong mag-usisa tungkol sa mga nangyayari sa buhay niya.

Ang emcee na si Sam Oh lang ang nagtanong kay Kim Soo Hyun ng mga basic question na sinagot ng aktor sa pamamagitan ng female interpreter.

Kung hindi knows ng publiko na isang sikat na artista si Kim Soo Hyun, mapagkakamalan siya na isang respetadong businessman sa Korea dahil sa kanyang formal outfit at hairstyle.

Iba rin ang hairdo ni Kim Soo Hyun kung ikukumpara sa hairstyle nito sa My Love from the Star na bagets na bagets ang kanyang hitsura. Nagbabago ang physical appearance ni Kim Soo Hyun, depende sa ayos ng buhok niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with