^

Pang Movies

Concert ni Alden maraming bawal!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Congratulations sa matagumpay na finale ng teleserye nina Alden Richards at Maine Mendoza kagabi, ang Destined To Be Yours, na nagtapos sa pinakahihintay na wedding nina Benjie at Sinag sa lugar kung saan nagsimula ang love story nila, sa Pelangi (Dolores, Quezon). Sealed with a kiss ang finale na tiyak na ikinatuwa ng AlDub Nation. 

At rest day na rin ni Alden kahapon, hindi na siya nag-appear sa Eat Bulaga bilang paghahanda sa sold-out first major concert niyang Upsurge na magaganap tonight at 8:00 p.m. sa Kia Theater, produced by GMA Network and GMA Records.

Muling magkasama sina Alden at Maine ma­maya dahil special guest si Maine, kasama rin ang best friends ni Alden na sina Mark Herras, Kristoffer Martin, at Rodjun Cruz.  No script naman daw ang mga gagawin nina Alden at Maine mamaya, at sarili nilang concept ang ipi-perform nila.

Nagbigay ng paalaala ang GMA Records sa first 300 VIP ticket holders na pwedeng manood ng rehearsal ni Alden ngayong hapon, 3:00 – 3:20 p.m. sa Kia Theater. After 20 mi­nutes ay ilalabas na sila sa theater at babalik na lamang sa pagbubukas ng theater at 5:00PM.

During the rehearsal, strictly no picture taking, no video and audio recording, no mobile services. Sa mga hindi susu­nod, babawiin daw sa kanila ang wristbands bago sila pumasok sa venue, kaya hindi sila makakapagpa-group photo op kay Alden pagkatapos ng concert.

Sa concert proper, bawal ipasok sa loob ng Kia Theater ang LED Boards, bawal din ang light/glow stickers, ang Kia ang magbebenta ng light sticks at the theater. Mga tarpaulin lamang na may maximum size of 1ft x 3ft ang papayagang maipasok sa loob ng theater.

Good luck Alden, guests and the production staff of the Upsurge concert!

Jennylyn sabit sa galit ng supporters ng pangulo kay Direk Erik

Hindi na kataka-takang murahin ni Direk Erik Matti ang supporters ni Pres. Rody Duterte dahil lagi namang palaban ang director. Ikinagalit ni Direk Erik ang pagdi-declare ng Martial Law ni Pres. Duterte, pero binuweltahan naman siya ng mga tagasunod nito at nagbanta silang ibo-boycott ang mga pelikulang ginagawa niya ngayon kasama na ang gagawin ni Jennylyn Mercado na katatapos lamang pumirma ng contract sa Reality Entertainment.

Panata eere na

Mamaya rin, May 27 at 10:30 p.m., mapapanood ang Brillante Mendoza Presents Panata sa TV5. Ipinapanood sa entertainment press sa Director’s Club in SM Megamall ang buong episode na tungkol kay Mario (Kristoffer King), isang mask maker na nahanap ang sarili sa gitna ng pakikibaka para sa kalayaan at nasyonalismo, dahil naka-set ito sa Martial Law era.

Kinunan ang ilang eksena ng Panata sa Marinduque, kung saan ginaganap ang Moriones festival tuwing Mahal na Araw. Kaya present sa preview si Marinduque Governor Carmencita Reyes at natuwa siya na isinama ni Direk Brillante ang isa sa ipinagmamalaking festival sa Pilipinas kapag Holy Week.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with