^

Pang Movies

Hindi ang magiging mister ,Anne iba ang gustong kasiping!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Kasiping na ni Anne Curtis sa kama ang idolong Korean actor na si Gong Yoo. Pero walang dapat ipagselos ang fiancé niyang si Erwan Heussaff dahil kilig pillow na may photo ni Gong Yoo ang kayakap ng aktres, huh!

Hindi pa rin nababawasan ang kilig overload ni Anne sa Korean actor kahit face to face pa niyang nakaharap ang idolo. Kaya naman umaapaw ang kaligayahan niya nang regaluhan siya ng unan na  may photo ng idolo, huh!

Caption ni Anne, “Sarap ng sleep ko!” Ganoon kababaw ang pagiging fan girl ng aktres!

Anyway, time out muna si Anne sa trabaho niya rito upang magpaka-concert princess sa show na gagawin sa Cache Creek kasama si Mark Bautista.

Jennylyn kinabog ni Lolit solis sa Korean actor na si Kim Soo Hyun!

Naisahan ni Manay Lolit Solis si Jennlyn Mercado na makita nang personal ang Korean actor na si Kim Soo Hyun, ang bida sa Koreanovela na My Love From The Star.

Premiere sa Monday ang local adaptation ng Koreanovela na pinagbidahan ni Kim. Ang baguhang si Gil Cuerva ang papapel sa role niya habang si Jen naman si Steffi.

Pero inunahan talaga ni Manay ang Ultimate Star. Gora siya sa Okada, kasama ang editor naming si Salve Asis at co-writer na si Jojo Gabinete upang makita in person ang Korean actor. Pinairal muli ng dating talk show host ang kanyang connections upang makadalo sa event ni Kim, huh!

And they succeeded! Flooding ngayon sa social media account nina Manay at Salve ang pictures ni Kim! To think na galing na sila sa Korea nu’ng nakaraang buwan, huh! Ganyan sila ka-faney sa K-stars!

(Hahaha. Kaloka tito. Talbog si Anne. Hay. #kdramaaddict – SVA)

Winwyn  ipinaramdam  ang pagmamahal kay Alma

Binigyan ni Winwyn Marquez ang inang si Alma Moreno ng birthday cake na naka-post sa Instagram ng Kapuso actress.

Sa kanyang caption, ipinadama ni Wyn ang pagmamahal sa ina pati na sa pagiging matapang nito sa pag­harap sa kanyang mga problema.

“Oh mama, makita ka naka ngiti ng ganyan ibang-iba sa pakiramdam namin…salahat ng pinagdaanan mo ipinakita na nanghihina ka o kaya umiyak ka or whatever…lagi ka taas noo at lagi mo pinapaalala sa amin na positive lang at lahat magiging okay…napaka tough mo and aahhh basta ibang klase ka. I love you ma sooo much…we love you ma..thank you ma. Happy happy birthday. #promisenosecrets @thebestmom

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with