^

Pang Movies

MET ginawa na lang burulan!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang sad state ng mga lumang sinehan sa Maynila ang napansin ko habang papunta ako kahapon sa presscon ng Samsung para kay Kim Soo Hyun.

Literal na nag-trip down memory lane ako nang makita ko ang mga signage ng mga sinehan sa Quezon Boulevard na dating pinupuntahan namin nina Douglas Quijano at Alfie Lorenzo.

Naging tindahan na lang ang mga nag-babu na sinehan na napilitan na isara dahil mas gusto ng mga tao na manood sa mga mall cinema.

Lalo akong nalungkot nang mapadaan ako sa Manila Metropolitan Theater na mabuti na lang, under construction at muling bubuhayin ng pamahalaan.

Sira-sira ang mga bintana ng MET at may mga graffiti na nakasulat sa pader na kagagawan ng mga kababayan natin na walang disiplina.

Parang kailan lang nang puntahan ng staff ng Kapuso Mo Jessica Soho ang MET dahil sa sumbong na pinagburulan ito ng isang namatay na vendor. Tinulungan ng Manila City go­vern­ment na maipalibing ang pobreng nasawi na ibinurol sa harap ng MET dahil sa matinding kahirapan.

Hoping ako na maibabalik ng gobyerno ang lost glory ng MET na puntahan ng mga tao na nabibilang sa high society. Natatandaan ko na hindi puwedeng pumasok noon sa MET kapag hindi pormal ang bihis ng manonood.

Photobomber mas tumaas pa

Nakita ko ang photobomber building sa likod ng monumento ni Gat Jose Rizal sa Luneta Park.

Mataas na mataas na ang under construction na condominium building kaya never ako na naniwala na mahihinto ang pagpapatayo sa photobomber ng monumento ni Rizal.

Kung talagang ipinatigil ang construction sa building, hindi na sana ito nadagdagan ng mga palapag at mas mataas pa ngayon sa Rizal monument.

Pangungulit ni Arnold walang epekto

Dinedma ko ang pangungulit sa akin kahapon ni Arnold Clavio na mahigpit ang imbitasyon na mag-lunch kami sa coffee shop niya sa Pasig City dahil birthday ko noong May 20.

Nakakundisyon na ang isip ko na pupunta ako sa presscon ng Samsung sa Okada Manila Hotel para makita ko nang personal si Kim Soo Hyun.

At least, hindi ko na kailangan na gumastos para bumiyahe sa South Korea at ma-sight in person sina Kim Soo Hyun at Song Joong Ki.

Maraming araw pa naman para magkita kami ni Arnold at kumain sa coffee shop niya.

Sayang ang pagkakataon na makita ko nang personal si Kim Soo Hyun ng walang gastos at malapitan. Si Arnold naman, any moment, puwede kong puntahan sa studio ng radio program niya sa DZBB.

I Love You kay Kim walang malisya

Hindi ako nahiya na mag-sabi ng “ I love you “kay Kim Soo Hyun dahil walang malisya ang ginawa ko.

Imposible na isipin ni Kim Soo Hyun na may pagnanasa ako sa kanya dahil parang apo ko na siya ‘no!

Natuwa lang talaga ako nang makita ko siya ng up close and personal na epekto ng pagiging addict ko sa panonood ng mga Koreanovela.

Isa na lang ang wish ko na malapit nang matupad, ang makita nang malapitan ang ultimate favorite Korean actor ko na si Song Joong Ki. Gagawin ko talaga ang lahat para makilala niya ako.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with