^

Pang Movies

Glydel ginagaya si Annabelle

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Natawa na lang si Glydel Mercado nang tanungin sa kanya kung si Annabelle Rama ba ang peg niya sa kanyang stage mother role sa My Love From The Star.

Naging manager kasi ni Glydel si Tita Annabelle noong una itong pumasok sa pag-aartista at naging member siya ng That’s Entertainment.

Ilang taong ding hinawakan ni Tita Annabelle si Glydel hanggang sa maghiwalay sila ng maayos at iba na ang humawak ng career niya noong nagkaroon ito ng sexy image.

Kaya pihadong kabisado nito ang mga kilos at pananalita ni Tita Annabelle noong manager pa niya ito at iyon ang nakita ng marami sa trailer ng My Love From The Star.

“Kuhang-kuha ba?” malakas na tawa ni Glydel.

“Actually, hindi naman sadya. Kasi noong sabihin sa akin na stage mother ang role ko, unang kong naisip si Tita Annabelle.

 “Naku, ayokong ma-offend si tita sa akin kasi matagal na kaming bati niyan. Siguro I took a little of her for my character tapos ‘yung iba ako na ang gumawa.”

Dave ng one up gastos lang ang tingin sa mga babae

Nagpapasalamat ang One Up member na si Dave Bornea dahil sa magkasunod na projects na natatanggap niya sa GMA 7.

Napapanood si Dave sa teleserye na Meant To Be at regular ding mapapanood ang grupo nila sa pagbabalik ng all-original Pinoy game show na Celebrity Bluff.

Inamin ni Dave na akala niya ay wala na siyang gagawin na show noong matapos ang teleserye na Alyas Robin Hood.

“Kinabahan ako kasi baka hindi ako makabayad ng renta!” tawa pa niya.

“Kasi ako lang ang nandito sa Manila. Nasa Cebu ang family ko. Wala akong mapupuntahan kung hindi ako makabayad ng renta.”

Kaya wala raw munang panahon na magkaroon ng girlfriend si Dave dahil alam niya ang estado niya financially.

“Unahin ko po muna ‘yung kakainin ko at ‘yung renta ko.

“Magastos ang makipag-date. Pahinga muna tayo sa ganyan.

“Hanggang crush-crush muna ako. Mahirap nang magkaroon ng commitment at diyan magsisimula ang gastos!” natatawang pagtatapos pa ni Dave Bornea.

Gil, American actor ang peg!

Naging peg daw ng baguhang Kapuso actor na si Gil Cuerva sa pagganap niya bilang ang alien na si Matteo Domingo sa teleserye na My Love From The Star ang character ng American comedian na si Jim Parsons as Sheldon Cooper sa hit US comedy series na The Big Bang Theory.

Kapag nagsalita raw si Matteo ay wala itong emotions at monotone lang. Nagkataon na paborito niyang panoorin ang The Big Bang Theory kaya tinulad niya kay Sheldon ang character ni Matteo.

“‘Yun kasi ang pagkatao ni Matteo. Wala siyang feelings. Not until dumating at nakilala niya si Steffi Chavez (Jennylyn Mercado), dun siya unti-unting nagkaroon ng emotions. Nabago ang pattern ng buhay niya,” kuwento pa ni Gil.

Sa totoong buhay ba ay puwede siyang magkagusto sa isang tulad ni Steffi na isang diva at walang pagpapahalaga sa nararamdaman ng ibang tao sa paligid niya?

“Hindi siya peke. Totoo siyang tao. That’s something I look for women that I would want to date,” pagtatapos pa ni Gil Cuerva.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with