^

Pang Movies

Jennylyn nakigulo sa pagdating ng Korean actor

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Kagulo ang fans ng Korean actor na si Kim Soo Hyun nang dumating sa bansa nu’ng isang araw. Si Kim ang bidang lalaki sa Koreanovela na My Love From The Star.

Biruan tuloy ng fans ng Korean actor, pinapunta siya ng GMA Network para tumulong sa promotions ng local adaptation ng Korean series na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at baguhang si Gil Cuerva.

Maging si Jen ay nakisakay sa biro sa pagdating ni Kim. Tweet ng Ultimate Star, “Manonood kasi siya (Kim) ng pilot ng My Love From The Star!”

Take note na maging ang editor naming si Salve A. ay gustong makita nang personal si Kim, huh! Pati si  Manay Lolit Solis na fan na fan ng K-dramas ay susugod sa presscon ni Kim huh!

Manay Lolit dawit sa awayan ng fans nina Alden at Maine

Pinuri-puri si Manay Lolit Solis ng fans ni Maine Mendoza nang ibahagi niya ang paghanga sa Phenomenal Star. Mula nang makita niya at hanggang ngayon, hindi siya naniniwalang maldita si Meng.

“I am not close to her but gusto ko siya,” bahagi ng caption ni Manay Lolit na kasama sa pic si Meng.

Bumuhos naman ang pasasalamat ng fans ni Maine. Eh ‘yung follower niya na nag-comment na maging si Alden (Richards) ay mabait din, pinatigil ng isang fan dahil hindi siya kasama sa pinapurihan ni Manay.

Feeling lang namin, parang may isyu ang fans ni Maine at fans ni Alden, huh! Naku, tigilan na ninyo ang bangayan at ipadama na lang ang pagkakaisa, huh!

Carla at Korina magkasundo sa mga hayop!

Nakahanap ng kakampi si Carla Abellana kay Korina Sanchez na todo rin ang advocacy sa pagmamahal sa mga hayop.

Sa isang post ni Korina na may dinaluhang pagtitipon, ibinahagi niya ang kuwento ng abuse sa mga aso sa Pilipinas. “People cried. I tried not to look because I would start crying with them…”

Sa kanyang komento, nagpasalamat naman siya kay Korina. As we all know, aktibo si Carla sa pagpapalaganap na iwasan ang pagpapahirap sa mga hayop.

Kahit na nga nu’ng tapings ng Kapuso actress sa I Heart Davao, lagi siyang may oras ng pagpapaalala na huwag pahirapan ang mga hayop.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with