^

Pang Movies

Jericho at Jennylyn may niluluto sa MMFF!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Sigurado na ang muling pagtatambal sa isang pelikula na pang-Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 nina Jericho Rosales at Jennylyn Mercado.

Wala pang tiyak na titulo ang pelikula, bagama’t ang malamang na magdirek daw ay si Dan Villegas.

Walang Forever ang title ng unang movie together nina Jericho at Jennylyn.

An entry in the MMFF 2015, kinonsidera ang movie sa one of the three top grossers ng nabanggit na filmfest.

Malaki ang pag-asang kikita rin itong second movie ng dalawa dahil ayon sa kanila, mas komportale at ‘at home’ na sila sa isa’t isa.

While doing, Walang Forever kasi, medyo, kumbaga, nangangapa pa sila sa isa’t isa. Foremost dahil isang Kapamilya si Jericho at si Jennlyn naman ay Kapuso.

Bale ba, alam ni Jericho na replacement lang siya kay JM de Guzman, who was the original choice to play leading man to Jennylyn sa pelikula.

Direk Gil mahilig mag-shooting sa abroad!

Alam n’yo ba na karamihan sa mga pelikulang dinirek ng ngayo’y namamayapa nang director na si Gil Portes ay kinunan sa mga kilalang lugar sa ibang bansa? At hindi rin basta-basta ang mga artistang pinipili niya na magbida sa mga ito.

Una na rito ang Ms. X, which, to his death, Direk Gil dreamed na magkaroon ng sequel.

Kinuhan ang buong pelikula sa Amsterdam at pinagbidahan ito ng ngayo’y Lipa City Representative na si Vilma Santos. It was a run-away winner the box-office, when it was shown.

Iba kasi ang naging appeal sa manonood ng pelikula, dahil tungkol ito sa isang Filipina na naging “escaparate girl’ sa tinaguriang Red Lights district sa Amsterdam.

Itinuturing na isang major attraction sa Amsterdam ang Red Lights district. And, though, the girls in the escaparate are for hire, kino-consider ito na legitimate na hanapbuhay.

The late Mark Gil played Rep. Vi’s leading man.

Isa pang pelikula na dinirek ni Direk Gil ay ang Carnival Queen na pinagbidahan naman ng dating sexy star na si Alma Moreno.

Kinunan naman ito sa Rio de Janeiro sa Brazil kung saan si William Martinez ang leading man ni Alma.

Ang Merika naman na kinunan sa New York City ay pinagbidahan ni Nora Aunor. Co-starring with her was Bembol Roco, who was in his prime as an actor at that time.

Then, there was Wanted Wives, filmed naman in Hong Kong and starring Gina Alajar, Jean Saburit and former Senator Freddie Webb.

Ang huling pelikula ni Direk Gil ay ang Moonlight Over Baler, na ang mga pangunahing artista ay sina Elizabeth Oropesa at ang baguhang si Vin Abrenica.

Before his death, we were told that Direk Gil had planned to do a movie about doctors sa barrios.

Ang pagmamahal ni Direk Gil sa showbiz ang dahilan kung bakit mas pinili niyang mag stay dito ng mas madalas kesa mamuhay ng komportable sa Amerika specifically New York, where his wife, Telly is based.

His two sons, Carlo and Justin, both have exceedingly good jobs, especially, Carlo, his eldest, who works as investment banker sa isang kilalang bangko sa Indonesia.

In a text message to Direk Gil’s good friend and fellow director, Arman Reyes, Carlo reportedly stated that he is coming soon with his Mom, Telly and siblings Justin.

As of this writing, still according to Direk Arman, Direk Gil’s body is still in the morgue ng East Avenue Medical Center.

Direk Gil died Wednesday, May 24.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with