^

Pang Movies

Leah, Jim, at Cynthia yurak-yurak sa anti-Duterte statement

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Durog na durog ang pagkatao ng mga singer na sina Leah Navarro, Jim Paredes at Cynthia Patag dahil sa kanilang mga anti-Duterte statement.

Mga below-the-belt at talagang nakakasirang-puri ang buwelta ng supporters ni President Rodrigo Duterte laban kina Leah, Jim at Cynthia na walang masabi na mabuti tungkol sa pangulo buhat nang manungkulan ito.

Block at delete ang sagot ni Leah sa mga Duterte supporter na umaalipusta sa kanya.

Para i-block ni Leah ang mga natatanggap na pangungutya, affected din siya ng mga panglalait na nababasa niya.

Joey ‘di madadaya ang edad!

Win kahapon sa Jackpot en Poy si Nova Villa dahil tinalo niya si Alden Richards sa final round.

Novelita ang introduction ni Joey de Leon kay Mama Nova dahil ‘yon ang tunay na pangalan niya.

Nasanay si Papa Joey na tawagin na Novelita si Mama Nova dahil magkaklase sila sa elementary school.

Actually, kaming tatlo ang magkaklase kaya matagal na kaming magkakakilala nina Papa Joey at Mama Nova. Nagkita-kita na lang kami sa showbiz nang maging DJ si Papa Joey, aktres si Nova at movie reporter ako.

Nag-celebrate ako ng 70th birthday noong May 20 kaya may idea na kayo sa edad nina Papa Joey at Mama Nova. Hindi puwedeng bawasan ni Papa Joey ang age niya dahil magkababata kami.

Alden at Maine balik Kalyeserye

Last day na ngayon sa telebisyon ng Destined to be Yours pero mapapanood pa rin sa TV sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Mapapadalas na uli ang pag-apir nila sa Eat Bulaga na naapektuhan ng kanilang tapings para sa Destined to be Yours.

Gagawa uli ng pelikula sina Alden at Maine kaya magiging busy pa rin sila sa mga susunod na araw.

From Monday to Sunday ang exposure ni Alden sa TV dahil sa Eat Bulaga at Sunday PinaSaya.

Bong naiintindihan ang Martial Law

May nagrarasyon kay Bong Revilla ng mga diyaryo kaya updated siya sa mga nangyayari sa paligid, kahit nakakulong siya sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

Bilang dating senador, may apela si Bong sa ating mga kababayan tungkol sa nagaganap na kaguluhan sa Marawi City.

“Ang krisis sa Marawi ay krisis sa buong Mindanao, at krisis ng buong bansa. Ang kagyat at desididong aksiyon ng Presidente, na mismong taga-Mindanao, ay tanda ng kanyang pagpapahalaga sa ating mga kababayang apektado ng kaguluhan, at sa kalagayan ng buong bayan.

“The constitution explicitly granted the President the power to declare martial law to preserve the integrity of the Republic and any of its parts. Ito ang partikular ng dahilan sa likod ng deklarasyon ni Pangulong Duterte.

“Darating ang tamang panahon para usisain ang mga kaganapan at ang mga taong nasa likod ng rebelyong ito ng Maute, ngunit ang mas mahalaga ngayon ay ang tuluyan nang pagsiwata sa mga teroristang rebelde.

“ Napakahalaga rin na matiyak ang kaligtasan ng mga kababayan nating naiipit ngayon sa bakbakan, at ang seguridad ng buong rehiyon at buong Pilipinas.

“Magkaisa tayo Pilipino. Support our President. Support our government. Support our troops. God bless the Philippines,” ang panawagan ni Bong na tunay ang pagmamahal sa ating bayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with