^

Pang Movies

Jestoni huli sa akto!

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Huling-huli na si Jestoni Alarcon ng kanyang asawa na may kabit siya.

Ito ang nakakalokang pangyayari sa D’ Originals kung saan ginagampanan ni Jestoni ang karakter ni Lando. Pati kami, ‘di mapigilan manggigil katulad ng pagkainis ni Josie (Jaclyn Jose) sa pang-aahas na ginagawa ni Yvette (Katrina Halili) kay Lando.

Sabi nga nila, walang lihim na ‘di nabubunyag. Finally, caught in the act sina Lando at Yvette kaya naman todo pang-aaway ang ginawa ni Josie sa dalawa. Pero syempre, hindi namin mapigilang matawa sa mga binibitawang linya ni Jaclyn.

Napapanood ang D’ Originals every afternoon bago mag-Wowowin.

Benjamin walang ka-partner

Kahit third wheel ang peg, enjoy pa rin ang Kapuso heartthrob na si Benjamin Alves kasama ang kanyang co-stars sa taping ng I Heart Davao. Nakakatuwa nga ang isang Instagram post kung saan naka-tag si Ben with Tom Rodriguez, Carla Abellana, Betong Sumaya, at Maey Bautista at may caption na: “That moment when gagala ang tropa tapos ikaw lang ang walang partner.”

May hashtag pa ito na “#HarshLife” at “#FifthWheel”. Balita namin, unrequited love ang peg ng karakter ni Ben sa upcoming primetime series under GMA Public Affairs. May pagtingin siya sa kanyang kaibigan na gagampanan naman ni Carla.

Sa Hunyo na ang simula ng nasabing show.

Pinasaya ginawang habit

Mas pinipili pa rin ang Sunday PinaSaya bilang noontime habit ng mga manonood!

Nagtala ang pinakahuling episode nito ng 12.3% sa Urban Philippines TV Households. Kaya naman nagpapasalamat ang lahat ng bumubuo sa cast ng Sunday PinaSaya sa mga linggu-linggong tumututok at tumatangkilik sa programa.

                      

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with