^

Pang Movies

Glaiza ayaw patusin si Dominic!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Glaiza ayaw patusin  si Dominic!

Glaiza de Castro

Katatapos lang ng telefantasiya ni Glaiza de Castro sa GMA 7, ang Encantandia pero back to work na agad siya. Kasama niya ang leading man na si Dominic Roco, na katatapos din lang mag-taping ng finale episode ng teleserye nilang Destined To Be Yours nina Alden Richards at Maine Mendoza

Sila ang mga bida ng Sleepless na showing na this Friday, May 26, at selected SM Cinemas

Ilan sa mga indie film na nagawa na ni Glaiza ay Still Life, Rakenrol, Patikul, Astig at Bente. At ngayon nga raw, kasama na ang Sleepless sa mga favorite film na ginawa niya. Ginampanan niya ang role ni Gem, isang call center agent na bukod sa hindi makatulog ay may conflict sa karelasyon na si TJ Trinidad.

“May kakaiba naman akong friendship kay Barry (Dominic), siya iyong taong pwede mong makausap kapag hindi ka makatulog,” kwento pa ni Glaiza. 

Pero hindi sila pwedeng i-link ni Dom sa isa’t isa dahil naging boyfriend niya ang twin brother nitong si Felix, “kaya para na ring kapatid ang turing ko sa kanya at para na siyang extended member of our family kasi friend din siya ng brother kong si Alcris (Galura)”. 

Sa opening day nila ay isasabay na rin ang premiere night ng Sleepless na dinirek ni Prime Cruz para sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) Cine Lokal

Habang wala pang project, ipu-promote muna ni Glaiza ang bago niyang album, ang Magandang Simula with eight Tagalog songs, four originals at four remake na iri-release ng PolyEast Records. Within the year ay baka raw magkaroon siya muli ng isa pang concert at paghahandaan daw niya iyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with