^

Pang Movies

Pagkansela sa concert ni Ariana Grande pakikinabangan ng local artists!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Pagkansela sa concert ni Ariana Grande  pakikinabangan ng local artists!

Ariana Grande

Apektado raw ang schedule sa Pilipinas ng American singer and artist na si Ariana Grande. Ito ay matapos na suspindihin nila ang kanyang world tour matapos ang pagbomba sa kanyang concert sa Manchester, England, na kung saan hindi bababa sa 22 ang namatay at mahigit na 50 ang sugatan. May suspetsang isang suicide bomber ang gumawa noon.

Mabilis naman ang ating kapulisan sa pagsasabing kaya nilang i-secure ang isang ganoon kalaking event, dahil sanay na rin naman sila. Kailangan lamang na makipag-coordinate nang husto sa kanila ang mga organizers. Totoo iyon, nai-secure nga nila ang Papal Visit, iyong APEC at nitong huli ay iyong ASEAN Summit, pero palagay naman namin hindi kaya ng mga organizer ng concert ni Ariana Grande ang ganoon kalaking gastos.

Isa pa, sa Agosto na iyan kung sakali, at hindi natin masabi ang mga kaguluhan din dito sa ating bansa sa kasalukuyan, mahirap na. Mas mabuting kung may concert man, mga local artists na lang. Kikita pa ang mga Pilipino.

Liza hihintayin kung matutulungan ng Darna

May nanalo na pala. Bagama’t hindi pa opisyal na sinasabi, may impormasyon nang naghahanda at nagsasanay na para sa mga action scenes at flying scenes si Liza Soberano na siya na raw gaganap na Darna. Palagay naman namin pinakamaganda ngang choice si Liza para gampanan ang role ng sikat na Pinay superhero.

Noong mga nakaraang panahon, ang lumabas na Darna ay hindi lamang maganda kung hindi sexy at kailangang malinis ang image. Hindi natin maikakaila na may ilang pagkakataon na ang pinalabas nilang Darna ay mga sexy nga, pero dahil mas kilala silang sexy stars, hindi naka-identify sa kanila ang talagang fans ni Darna na karamihan ay mga bata. Ang mga Darna movies na iyon ang masasabing kumita nga, pero hindi naman kalakasan sa takilya. Iyon ding mga star na iyon ay mabilis na nakalimutang lumabas din nga palang Darna.

Iyang Darna role na iyan, noong dumating ang panahong hindi na nga magagawa ni Angel Locsin ay naipangako na rin yata nila sa ibang stars, pero mabuti at napag-isipan din naman nila. Kasi kahit na anong tingin ang gawin mo, wala silang ibang stars na babagayan ng role na iyan maliban kay Liza eh.

Tiyak na marami rin naman ang magpapahayag ng disappointment, dahil may ibang sikat na stars din na nag-aambisyong makuha ang role, pero isipin naman nila kung ano ang magiging hitsura nila kung sila nga ang lalabas na Darna.

Baguhang aktor mas aktibo sa pag-entertain sa mga bading

Ang lakas nga ng appeal ng isang baguhang aktor. Bukod sa nababaliw sa kanya si direk, talagang hinahanap din daw siya ng isang milyonaryong realtor na kilalang “kaibigan” ng mga artista, models at basketball players. Target din daw siya ng isang sexy female star.

Aba, ano nga ba ang mangyayari sa baguhang male star kung haharapin niya ang lahat ng mga interesado sa kanya?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with