^

Pang Movies

Luis minura ni Alex!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Luis minura ni Alex!

Luis Manzano

Umiral na naman ang pagka-buskador ni Luis Manzano at ang talaga namang laging biktima ng kanyang pang-aasar ay si Alex Gonzaga.

Nag-post si Luis ng mga larawan ng kanyang paa sa Instagram at Facebook at ang huling-huling larawan ay si Alex.

“Swipe! Ito na paa ko ngayon from the fracture!!! Can’t put any weight on it! Magang maga pa, yung last pic yung sobrang sama, parang nabulok na may ingrown pa,” caption ni Luis sa mga larawan kabilang at ‘yung last picture na tinutukoy niya ay si Alex.

Bentang-benta naman sa mga follower niya ang joke ni Luis at tawa sila nang tawa. Pati nga mga artista ay nag-react. Sey ni Yassi Pressman, “Hahahahaha sama mo”.  Nag-react din sina Eric Nicolas, Phil Younghusband at Janus del Prado.

Sumagot din si Alex. “Namoka” sey niya, “seryoso ko pang swinipe”. Puro tawa lang ang isinagot sa kanya ni Luis.

Daniel masaya sa bagong lalaki ni Erich!

Nilinaw ni Daniel Matsunaga na wala siyang sama ng loob sa ex-girlfriend na si Erich Gonzalez at open na open siya sa possibility na magkaibigan pa sila.

Wala akong sama ng loob. Actually, I have a huge respect for Erich and her family. From the bottom of my heart, everything I did was really. . .I tried my best.

“So, right now, oo naman, I’m really willing to be friends,” pahayag ni Daniel sa kanyang huling panayam.

Nagkita nga raw sila ni Erich a day before the interview at nag-hi naman daw siya.

“You know, eventually. We just need to give it time, you know.”

Sa ngayon ay naka-move-on na raw siya sa break-up at okay na raw ang lahat.

Ready na ba siya to fall in love again?

“I don’t look for anybody. I actually, you know, I have faith that God will give me the right one. I’ve been waiting for that and right now, focused talaga ako sa work. Work muna and kung merong isang babae in the future, you know, God knows best,” sey ni Dandan (tawag kay Daniel).

Ano naman ang reaksyon niya sa tsismis na may bago nang non-showbiz boyfriend si Erich?

“It’s okay. You know, I just hope she’s happy. You know, I just really hope she’s happy with everything that’s going on in her life. She seems happy, so that’s good, that’s good. I’m really happy for her, you know.

“From the bottom of my heart, you know, I just want the best for her,” pahayag ni Daniel.  

Sunshine bumuwelta sa nang-okray sa english ng anak

Umapaw ng papuri ang panganay na anak nina Cesar Montano at Sunshine Cruz na si Angelina Isabelle Montano mula sa netizens matapos ang airing ng guesting nito sa Gandang Gabi Vice last Sunday.

Ang mga anak ng mga artista ang guests ni Vice Ganda at naroroon din sina Inigo Pascual na anak ni Piolo Pascual, Leila Alcasid na anak nina Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren at Andre Yllana na anak naman nina Jomari Yllana and Aiko Melendez.

Nag-post si Sunshine ng larawan ng anak niya taken from the show at umani ng positibong reviews si Angelina. Ang daming nagandahan sa kanya at ang daming kinilig sa kanila ni Inigo dahil bagay na bagay daw. This early, pinu-push na ng netizens ang Inigo-Angelina loveteam dahil ang lakas daw ng kilig factor ng dalawa.

Anyway, siyempre, may mga negatibo ring komento although mangilan-ngilan lang naman. Pinupuna nila ang pag-i-Ingles ni Angelina.

May isang basher na nakapikon kay Sunshine at hindi niya talaga napigilang sumagot para ipagtanggol ang anak.

Hindi na namin nakita ang comment ng basher at malamang ay binura na ni Shine.

Sagot ng aktres sa basher, “You don’t have the right to insult my daughter just because you think your children are better than her. Nobody’s forcing you to watch nor like her. Just click unfollow or block. Thank you.”

Inulan din ng pangba-bash ang basher mula sa mga netizens para ipagtanggol ang mag-inang Sunshine at Angelina. Kaya naman nanahimik na marahil ang basher at hindi na namin nakita kahit isang sagot niya or pwedeng na-block na siya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with