^

Pang Movies

Nora hindi pa rin pinapatawad nina Lotlot at Ian

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Masaya ang birthday celebration ng Noranians para kay Superstar Nora Aunor na ginanap last May 21. Dumalo ang iba’t ibang grupo ng fans ni Nora na ginanap sa Century Hall sa QC. Pagpapatawa ni Guy ay forty years old lang siya at bakit daw piniplit na gawing sixty-four ng mga bumabati.

Ika-50 taon na rin niya sa showbiz at may magandang plano ang UNTV para sa kanyang coming event. Kwento ni Nora, huwag na lang daw pansinin ang detractors niya na nagsasabing naghihirap na siya dahil hindi raw ito totoo at isa siyang survivor. May blessings pa rin daw na dumarating sa kanya.

Dumating sa party ang mga anak niyang sina Matet at Kenneth de Leon dala-dala ang kanilang mga anak. Marami naman ang nagtatanong kung bakit hindi sumipot sina Lotlot at Ian de Leon. May tampo pa rin daw ba ang dalawa sa kanilang ina? At bakit parang hindi pa raw nila mapatawad ang ina? Ibang klase raw ang dalawa at nakakayang tiisin ang kanilang ina.

Well, talaga yatang may mga ganyang klase ng anak.

Toni hindi natuloy sa pagrampa dahil sa kwitis!

Kwentong Santacruzan naman. Noong araw ay naimbitahan sa Boac, Marinduque si Toni Gonzaga para magsagala. Pumayag naman si Mommy Pinty dahil bakante ang petsang ‘yon ng anak. Subalit noong malapit nang lumakad ang prusisyon ng Santacruzan ay natalsikan ng kwitis ang long white gown ni Toni.

Hindi na tuloy siya nakasama sa mga kasamahang naimbita ring magsagala.

Prosisyon sa Baliuag magiging tahimik

Nakatakda namang maganap sa bayan ng Baliuag ang malaking okasyon para sa Santacruzan bago magtapos ang Mayo. Ang naturang event ay handog ng Hermanidad De Siete Dolores Committee De Festejos ng Baliuag sa pangunguna ng Hermano Mayores Jorge Allan Tengco.

Lalahukan ang prusisyon ng mga santa at iba’t ibang birhen tulad nina Maria Magdalena, Maria Victoria, Maria Jacobe, at iba pang santa na patron saint ng iba’t ibang barangay sa Baliuag. Maraming netizens ang natuwa dahil magiging solemn daw ang okasyon. May nagkomento kasi na kapag mga artista ang nagsasagala ay nagkakagulo ang mga tao at iniiwanan ang mga tunay na birhen na kalahok sa prosisyon.

Hindi raw model, Jodi masagwa ang kapayatan!

Bakit daw kaya sobrang payat ni Jodi Sta. Maria at halos hindi na makilala sa ipinagbago nito. May mga nagtatanong kung tuloy ba ang problema ni Jodi o sadyang nagpapapayat lang siya. Hindi kasi magandang tingnan lalo na’t hindi naman siya isang ramp model.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with