^

Pang Movies

Robin excited mag-alaga ng mga apo!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Excited na si Robin Padilla sa kanyang magiging bagong apo kina Kylie at Queenie na parehong malapit nang manganak.

Ngayon pa lang ay ini-imagine na ni Binoe na sabay niyang kakargahin sa kanyang mga bisig ang dalawang sanggol.

Tuwang-tuwa si Robin dahil para na raw silang nagkakambal sa pamilya sa dalawang sanggol na isisilang ng kanyang dalawang anak.

Proud si Binoe na at least daw ay hindi pa siya uugud-ugod at makakarga at makakalaro pa ang kanyang mga apo sabi nito sa isang interview. Puwede pa raw niyang habulin at turuan ng karate ang mga apo tulad ng mga anak niya noon.

Dasal ni Robin sa dalawang babies na maipanganak sila na malusog. 

Thankful si Robin sa misis niyang si Mariel na hindi pinapababayaan si Kylie sa pagbubuntis nito mula pa simula.

Mula umaga hanggang gabi ay magkausap daw sina Mariel at Kylie araw-araw.

Kaya kahit wala ang mama ni Kylie na si Liezl na nasa Australia ay hindi nangangamba si Binoe sa panganganak ng anak na si Kylie.

Maaasahan daw ang misis niya kapag usaping nanay at pag-aalaga sa baby tulad sa anak nilang si Isabella.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with