^

Pang Movies

Alden at Maine pahinga muna sa isa’t isa

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nag-last taping day na ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza ng first teleserye nila sa GMA 7, ang Destined To Be Yours last Monday. Kinunan ang finale scenes sa naging famous na lugar sa Dolores, Quezon, ang Pelangi. Nag-enjoy naman daw ang buong cast dahil kahit maliwanag ang sikat ng araw ay malamig daw ang simoy ng hangin at lumalamig na ‘pag pagabi na ang taping. 

Mabibigyan na ng oras ni Alden ang rehearsal niya ng kanyang sold-out Upsurge concert sa May 27, na gaganapin naman sa Kia Theater. 

Aminado si Alden na hindi naman siya talaga mahusay na singer kaya he has Annie Quintos of The Company as his voice coach. For his dance numbers, kasama ni Alden ang Maneuvres. 

Guest ni Alden sina Ruben Marasigan, best friends Kristoffer Martin, Mark Herras, Rodjun Cruz at very special guest, of course, si Maine.

Meanwhile, may time na rin ngayon si Maine na tapusin ang kanyang isinusulat na libro about herself. Na-move nga raw ang book launch niya at sabi ni Maine nang makausap namin sa Sunday PinaSaya, may kulang pa siyang ilang chapters ng book na hindi pa niya tapos.

Jennylyn hindi takot iwan ang anak sa bahay!

Palagay na ang loob ni Jennylyn Mercado na may pinag-iiwanan na siya sa anak na si Jazz kapag umaalis ng bahay to work. Simula nang pumanaw si Mommy Lydia, her adoptive mom, naging problema na niya na sa mga kasambahay at yaya lamang niya naiiwanan ang unico hijo niya. Kaya nagdesisyon nga siyang puntahan na sa Korea ang ama na naka-base roon as a musician.  “Kaya ang pasasalamat ko nang pumayag si Papa Noli na umuwi na rito sa Pilipinas,” kuwento ni Jen sa presscon ng My Love From The Star.

“Ngayon hindi na ako masyadong nag-aalaala kapag umaalis ako. Alam kong hindi pababayaan ni Papa Noli ang apo niya. At ang saya-saya rin ng bahay namin dahil maririnig ninyo ang tugtog niya ng piano, pagtugtog ng gitara, minsan, nagdya-jamming kami sa bahay, sinasabayan ko ng kanta ang mga tinutugtog ni Papa. Okey din sa akin kung gusto niyang mag-work as a musician dito sa atin.”

Masaya naman si Jennylyn na maipalalabas na rin sa May 29 ang Pinoy adaptation ng Koreanovelang My Love From The Star na talagang pinag-aralan niyang mabuti ang role na gagampanan niya bilang si Steffi Chavez.

“Ayaw ko kasing mapahiya sa mga nagtiwala sa aking gampanan ang role ni Steffi, lalo na ang mga tagasubaybay ng Korean romantic-comedy na sikat na sikat hindi lamang sa Korea, dito sa Pilipinas na dalawang beses nang ipinalabas ng GMA 7 at sa buong mundo rin na humahanga sa mga Korean dramas. Nagpapasalamat din ako kay Gil Cuerva ang aking si Matteo Domingo dahil ang gaan niyang katrabaho kahit baguhan lamang siya at alam kong tanggap na tanggap ng mga tao, based sa mga mall shows na ginagawa namin ngayon. Umasa kayong magugustuhan ninyo ang away-bati na eksena namin ni Matteo (simula sa May 29).”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with