^

Pang Movies

Ruffa nagka-career bilang referee!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nakakahawa ang energy at dalang tensyon ni Ruffa Gutierrez na paboritong referee ngayon sa Jackpot En Poy segment ng Eat Bulaga. Alive na alive talaga siya sa elimination at semi-finals part ng laro. Very-Ruffa sa personal na buhay sa nakakakilala sa kanya.

Ruffa-ree na nga ang tawag kay Rufing ngayon. Eh sa ganitong la­ro, hindi puwede ‘yung matamlay ang dating. Kaya si Ruffa, hayun at maya’t maya eh, umaapir sa Bulaga.

Sa episode ng EB kahapon, tinupad niya ang pangako sa isang fan na bibig­yan ng regalo. ‘Yung book ang ibinigay niya kasama ang ilang beauty products na iniendorso.

AiAi ipinaglaban ang karapatan

SA rosary at maliliit na imahen sa kotse

Naglabas ng hinaing si AiAi delas Alas kaugnay sa regulasyon sa batas na Anti-Distracted Driving Act (ADDA) kaugnay ng probisyon sa pagpapatanggal pati ng rosary sa mga sasakyan.

“Minsan lang ako umopinyon sa mga ganito usually tahimik lang ako masid masid pero pag sobra na mag oopinyon din naman ako bilang mamamayan ng Pilipinas…

“Unang una po mam I don’t think ang rosaryo o maliit na figurines or saints na nilalagay usually ng mga katoliko e di naman nakaka distract dahil d mo naman tititigan yun habang nagmamaneho k aka forever…

“Usually ang ginagawa naming mga katoliko hipuin rosary or any religious relic na maliit then magkoi cross mag da drive na…

“Ano ang distraction dun? Paniniwala po namin ito para sa safety sa pagmamaneho na hindi maaksidente kaya nagdadasal at nagko-cross habang bumibiyahe sa daan…

“Sana wag naman idamay ang mga rosary at maliit na santo di naman kayo inaano ang rosaryo pati yun pinag-iinitan nyo. #catholicbelievers #believeintheholyrosary #proudcatholic #pagaralanbagomagdesisyon #dnamanbuonglastsupperilalagay #ayokoalisinrosaryko #fr.dads @akosimichelangelo.”

Hindi lang sa rosary nalulungkot si AiAi. Aalis kasi siya patungong Amerika for ten days para sa isang personal na lakad. Maiiwan niya ang tatlong tuta na ala-alaga niya ngayon.

Pero either next month o sa July, babalik uli siya sa Tate upang maging special guests a concert ng BFF na si Sharon Cuneta.

Heart maraming tagapagtanggol!

Pasable naman si Heart Evangelista bilang Alwina sa pilot telecast ng Mulawin vs. Ravena. Nakasabay siya sa magaling na akting ni Dennis Trillo bilang Gabriel.

‘Yun nga lang, patuloy pa rin siyang bina-bash ng ilang netizens na nakapanood ng MVR. Lumabas ‘yon sa comments na naka-post sa Instagram account ng GMA Network. Pati ang kanyang Follow Your Heart eh, nilait-lait sa ratings, huh!

Sabi nga ni Dennis, huwag munang husgahan si Heart. Kasisimula pa nga lang ng telefantasya, kaliwa’t kanan na ang bira kay Heart, huh!

Mabuti na lang, nariyan ang sister niyang si Camille Ongpauco na handang ipaglaban si Heart sa bashers niya tulad ng ginawa niya minsan sa isang netizen na bumanat sa caption ng sister, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with