^

Pang Movies

Liza iaangkas si Enrique sa Darna

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Mainit na pinag-uusapan ngayon na si Liza Soberano na ang gaganap na Darna base na rin sa isinulat ni Ricky Lo sa kanyang broadsheet column na lumabas kahapon.

Ayon sa kolum ni Tito Ricky, kasalukuyan na raw sumasailalim si Liza ngayon sa intense training ayon na rin sa kanyang VPDA (very deep pene­tration agent).

Ini-stalk namin ang IG page ni Liza dahil baka may announcement, reactions or whatever pero wala as in NR (no reactions) pa siya.

Pero sa comments section ng kanyang mga posts ay kino-congratulate na siya ng kanyang mga followers at sumisigaw na ng Darna!

Tinext naman namin ang kanyang manager na si Ogie Diaz para hi­ngan ng reaksyon at ang one word lang na reply niya, “seen”. Kaloka!

Well, if true na si Liza ang Darna, ang malaking tanong ay kung ano na ang mangyayari sa ka-loveteam niyang si Enrique Gil. Kahit isama pa siya sa movie, hindi maitatanggi na solo movie pa rin ito ng young actress at hindi masasabing Liz-Quen movie.

Sa mga recent interviews ay nababanggit ni Liza na may movie sila ni Quen na gagawin and we wonder kung ito na ngang Darna ‘yun or nagbago ng plano.

Well, abangan na lang natin ang announcement ng mga kinauukulan tungkol dito.

Melai nakasungkit ng pangatlong P1 million

Matindi talaga ang swerteng dumadapo kay Melai Cantiveros. For the third time, nanalo na naman ang komedyana ng one million pesos, this time sa Bet On Your Baby naman hosted by Judy Ann Santos na inere last Sunday.

Naglaro si Melai kasama ang kanyang mister na si Jason Francisco at ang 3-year-old daughter nilang si Mela at ang winning number nila na 9 (ang kanilang anniversary date) ang pinili ni Jason na piggy bank kung saan nakalagay ang one million.

Ang mag-anak na Francisco ang kauna-unahang milyonaryo ng show this season.

Sa Instagram account ng mag-asawa last Monday ay nag-post si Melai pasasalamat.

“Unang una Salamat Lord Jesus Christ na talaga namang na amaze kami mag anak sa blessing na itu. Makapaglaro lang si AteMela sa #BetOnYourBaby ay masaya na kami at sobra sobra pa.

“Slamat sa #BetOnYourBaby sa pagguest nyu sa amin, at Slamat sa aking husband na ginali­ngan sa pagsagot at pagpili ng number, galing mu tlaga Ga kaya kilig na kilig ako sayu lagi Uy uy uy at Syempre kay AteMela na naglaro na pinakita ang kanyang pagkabibo kahit 3 years old palang si AteMela ang galing galing na nya proud si mama sayu. Love You Anak proud dn si BabyStela sa iyu,” post ni Melai.

Matatandaang nanalo na rin ng P1-M si Melai sa Pinoy Big Brother at sa Your Face Sounds Familiar.

Nakakabilib ang swerte ni Melai na lahat ng salihan ay nananalo. Sey ng mga nakakakilala sa kanya, mabuti raw kasi ang puso ng komedyana at mapagbigay. Kung ano raw ang blessings na nakukuha nito ay isine-share rin.

Kasal nina Coco at Yassi nag-trending!

Nag-post ng pasasalamat si Coco Martin kahapon sa kanyang Instagram account dahil sa mataas na ratings na nakuha ng FPJ’s Ang Probinsyano last Monday night.

Base sa datos ng Kantar Media, naka­kuha ng national TV ratings na 41.1% ang serye.

Mataas din ang ratings ng episode last Friday, May 19 kung saan ay nakakuha ang FPJAP ng 36.6%.

Ang episodes last Friday and Monday ay ang bonggang kasal ng mga karakter na ginagampanan nina Coco Martin at Yassi Pressman bilang Cardo at Alyanna respectively.

Nag-trending din ang dalawang episodes sa hahs­tag na FPJKasal noong May 19 at FPJAP­Singilan noong May 22.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with