^

Pang Movies

Concert ng Actors’ Guild malapit nang pasabugin

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

May pasabog ang bagong pamunuan ng Actors’ Guild o Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT) dahil sa June 3, 2017, aarangkada ang kauna-unahang proyekto nila sa Sky Dome ng SM North EDSA.

Pinamagang A Night With The Stars, tampok sa malaking concert sina Victor Wood, Anthony Castelo, Marco Sison, Sonny Parson, Darius Razon, Keanna Reeves, Patricia Javier, Aileen Papin, Gary Cruz, Angelo Carreon, LA Santos, at marami pang iba.

Si Imelda Papin na bagong presidente ng Actors’ Guild ang promotor ng concert.

Umpisa pa lang ito, dahil kalalatag pa lang ng nasabing project, pero heto nga’t pinag-uusapan na ng guild ang susunod nilang project. Iba talaga ang babae kapag humawak ng isang samahan o grupo, pinaninindigan, pinangangatawanan, lalo na’t para sa kapakanan ng mga kasama niya.

Ang purpose ng gaganaping concert ay para sa kapakanan ng mga members na may edad na walang hada, mga nagkakasakit, at senior citizens na hindi lahat nakapag-ipon para sa kanilang kinabukasan. Bagama’t ‘yung ibang nagkaedad na sa showbiz ay may mga raket pa rin sa telebisyon, pero iilan lamang sila at mabibilang sa daliri.

Mababaw ang luha ng tinaguriang Jukebox Queen nang magsalita siya bilang pasasalamat sa mga dumalo sa thanksgiving mass last May 14 sa Icon Hotel, ang official partner ng samahan. Dumalo si Secretary General Leo Martinez, ilang opisyales ng iba’t ibang samahan sa showbiz, at officers of Mowelfund.

Iba’t ibang malalaking business companies ang kaagapay sa proyekto ni Ms. Imelda at ng Actors Guild sa first fund raising nila na ang slogan ay Sining Ko Pahahalagahan Ko.

Ang masisipag na kasapi ng guild sa pangunguna ni Imelda Papin ay sina VP Internal Affairs -Amay Bisaya, VP External Affairs - Ricardo Cepeda, Chairman - Jess Lapid, Jr, Secretary Perry De Guzman, Treasurer Lyn Madrigal, Directors Rez Cortez, Val Iglesias, Boy Roque, Joel Ortega, Gerry Roman, Rey Solo, Jhap Bahian, Jaime Cuales, at Josie Tagle.

Teka, join kaya rito sina Eva Eugenio at Claire dela Fuente?

Nakita rin namin sa said thanksgiving mass ang mag-inang Beth Jones at Angelica Jones na board member sa kanilang bayan sa Laguna, miss na raw niya ang showbiz.

Namataan din namin si Pepsi Guerrero, isang radio broadcaster na gumagaya sa boses ni President Marcos at Fidel Ramos, Atong Balatong, at iba pa. Long live the Actors’ Guild of the Philippines!

Female TV host sobrang libagin ng tuhod!

Grabe naman ang tuhod ng isang female host ng isang TV show.

Ang itim-itim ng mga ito. E sa panahon ngayon, ang dami nang mga sabon at mga pamahid para pumuti at kuminis ang mga singit, kuyukot, at sulok-sulok ng ating mga katawan.

Pero ang female co-host, tuhod lang ay hindi na mapaputi. Day naman, talk to Dr. Calayan o ‘di kaya kay Dra. Vicky Belo at Dr. Lising.

Kapansin-pansin kaya ang tuhod niya duhat na duhat!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with