^

Pang Movies

Mulawin tatapatan?! Richard may pangil at naka-kapa sa bagong serye

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Mulawin tatapatan?! Richard may pangil at naka-kapa sa bagong serye

Richard Gutierrez

Spotted si Richard Gutierrez na nagpi-pictorial kahapon malapit sa ABS-CBN para sa La Luna Sangre. Yes, true nga ang bulung-bulungan na part na ng nasabing serye ang dating Kapuso and TV actor which means Kapamilya na talaga siya.

Ayon sa aming source na nakakita kay Chard, may  pangil at naka-kapa raw ang aktor, marahil, Dracula ang kanyang role sa serye ng KathNiel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla).

Hindi lang namin sure kung magi­ging part ba ng regular cast si Chard or cameo lang siya just like Angel Locsin and John Lloyd Cruz na mapapanood sa pilot week ng serye.

Matatandaang noon pa bulung-bulungan na lilipat ng ABS-CBN si Chard at inamin na nga ni Annabelle Rama nang makausap namin noong Marso na may offer talaga ang Kapamilya network sa anak.

Kamakailan ay nagkaroon na nga ng story conference si Richard para sa comeback film niya sa Star Ci­nema kung saan ay makakasama niya sina Angel at Angelica Pa­nganiban. Dito lalong tumibay ang espekulasyon na Kapamilya na nga ang aktor.

Attention guys Vina game makipagrelasyon sa bagets

Aminado si Vina Morales na mahirap talaga ang long distance relationship kaya nagdesisyon siyang wakasan na ang two-year relationship nila ng French boyfriend na si Marc Lambert.

“Mahirap, mahirap,” ani Vina nang makausap ng ilang reporters sa ASAP Star Magic 25th Anniversary Special, “I’m sure everyone can relate at naiintindihan ‘yung situation namin. It’s really hard. Either you have to give up some things here or he has to give up some things there. Pero kailangan, swak kayo, eh. Kailangan, pareho kayo ng desisyon sa buhay.

“So, right now, it’s so hard to give up so many things here. I have my daughter, Ceana, she’s my priority. And my career naman is doing well and my businesses.

“So, para sa akin, mahirap mag-decide right now kung ano ba talaga ang magiging situation naming dalawa, so it’s better to you know, give space muna from each other.”

Mutual decision daw ang break-up at friends pa rin naman sila ni Marc.

“Maganda ‘yung break-up naman namin, ‘yung pagiging cool-off. Oo, Diyos ko, sa age na ‘to, hindi na kailangang mag-away-away pa. Hindi na bagay,” natatawa pa niyang sey.

Kahit hindi nag-work out ang relasyon nila, still, ani Vina ay positibo pa rin siya na may darating pa rin para sa kanya.

“I always believe na may forever pa rin naman. Oo, mayroong forever! Nagkaka-delay-delay lang nang kaunti,” natatawa niyang sabi.

In fact, ready naman daw siya to date again.

“I am ready, ba’t ako magsasayang ng oras, ‘di ba? I am ready to find somebody kung meron man diyan. Meron namang nagte-text or inviting me out, medyo titingnan ko muna kung seryoso ba ito o isang ano lang.”

Meron nga rin daw diyan na younger than her at sey niya, “parang hello! Parang teka muna, ready ba ako sa ganyang situation na mas younger sa akin?”

Ikino-consider ba niya na makipag-date sa younger men?

“That I cannot answer right now pero bakit hindi? Pero not so young siguro. Dapat mas matanda naman kay Shaina (Magdayao, her younger sister),” she said.

Sa ngayon, moving on and moving forward na raw siya.

“My heart is healed, and moving on, I’m moving forward and I know naman, ilang beses na rin ako. . .I’ve fallen in love, tapos, nasaktan ako. So, ganu’n lang talaga ang buhay, ‘di ba?

“And I always believe that God has somebody for me. I always think positive naman, eh. Alam ko na  meron naman talagang para sa akin.

“But right now, like what I’ve said in my past interview, Marc and I are still good friends, we still communicate, we’re just giving each other space, and I respect him and I wish him the best, siyempre,” pahayag pa ng singer/actress.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with