Jessy kinarma raw kaya ‘di nakapasok sa sexiest
Nakakatawa ang mga comment ng fans ni Angel Locsin sa social media bilang laglag sa Top 10 online initial poll result ng FHM’s Sexiest Women si Jessy Mendiola na ayaw tanggapin ng followers ang comment.
Agad naman nag-react ang fans ni Angel na pinuktakti ang comment ni Jessy na deserve rin daw maging Hall of Famer dahil daw sa katabaan.
Ayon pa sa kanila, karma raw ang nangyari dahil hindi nakapasok si Jessy sa listahan knowing na siya ang numero uno last year.
Samantala, hindi pa rin nawawala si Angel sa Top 10 ng listahan ng mga pinakaseksi.
Pero this time, ligwak ang kaseksihan at kagandahan ni Jessy na nakakita na naman ng pagkakataon ang mga fans ni Angel na makaganti at laitin ang pata nito.
Katuwiran naman ni Jessy na okey lang daw na wala siya sa line up dahil nakaranas na nga siya mag-no. 1 sa FHM last year.
Speaking of Luis, lagot ang nagba-bad comment kay Jessy dahil tiyak hindi ito papalampasin ng TV host. Sanay pa naman pumatol si Luis sa mga basher maipagtanggol lang ang kanyang girlfriend na si Jessy.
- Latest