^

Pang Movies

Pagbalik ni Richard, kailangan ng preparasyon

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Palagay namin hindi naman dapat na basta tumanggap na lang ng TV show si Richard Gutierrez. Mas dapat na isipin naman niya kung ano talaga ang katayuan ng kanyang career. Hindi natin maikakaila na mahigit na sampung taong namayani si Richard sa primetime noong araw, at tumigil siya dahil napagod na rin naman siya sa sobrang trabaho. Kung iisipin, si Richard ang talagang Primetime King. Gusto naman niyang ma-enjoy kung ano man ang kanyang pinaghirapan ng mahigit na isang dekada.

Nagkataon namang nagkaroon na rin siya ng pamilya, at nag-enjoy ngang maging tatay kaya hindi niya naisipan agad na harapin ang kanyang career, tutal kaya naman niya.

Marami pa rin sa fans ang naghihintay sa pagbabalik ni Richard. Pero kung magbabalik din naman siya sa telebisyon at gagawa ng mga serye, kailangang isang mala­king project ang kanyang gawin, at dapat siya naman ang bida.

Hindi naging maganda ang resulta ng kanyang attempt na mag-comeback, pero ang naging problema naman noon, paiba-iba nga ng oras dahil kailangan nilang mag-adjust dahil sa basketball coverage noon ng TV5. Hindi sila napapanood araw-araw. Kung napapanood siguro sila nang araw-araw, iba ang naging resulta noon.

Hindi rin naman siguro masasabing ok kay Richard iyong makasama siya sa isang talk show, dahil ang tingin sa kanya ng fans ay parang isang super hero, at iyon ang mas kailangan niyang gawin. May isang kritiko ngang nagsabi sa amin, “Si Richard, parang si Christopher Reeves iyan noong araw. Ano man ang gawin, ang tingin ng mga tao sa kanya ay si Superman”.

Sa tingin namin, tamang diskarte lamang ang kailangan at kung makakakuha nga ng isang mahusay na project si Richard, lalo na nga’t sa ngayon nagkukulang sa mga mahuhusay na leading man kahit na sa pelikula, aba eh makakabalik agad iyan.

Jinggoy may patama sa CHR

Natawa kami roon sa nabalitaan naming reaksyon ni Jinggoy Estrada nang siya ay bisitahin sa kanyang kinakukulungan ng mga kinatawan ng Commission on Human Rights. Simple lang naman ang sinabi ng dating senador. Tatlong taon na nga naman silang nakukulong, ngayon lang sila binisita ng mga taga-CHR. Iyong nagpakulong sa kanila noon, na si Senadora Leila De Lima, pinuntahan agad ng Chairman ng CHR noong makulong.

Ang isa pang lumabas na issue, iyon daw mga dumalaw sa kanila ngayong mga taga-CHR para kumustahin ang kanilang kalagayan, ay mga inilagay pa sa posisyong iyon ni Senadora De Lima noong panahon niya.

Hindi mo masisisi si Jinggoy kung ganoon ang kanyang naging palagay. Lalo na nga sa mga lumalabas na balita ngayong marami pa palang may kinalaman sa PDAF noon na hanggang ngayon ay ayaw paimbestigahan ng iba.

Mga bagong direktor may dapat alamin sa beteranong si Maning Borlaza

Nasa MTRCB (Movie And Television Review And Classification Board) pa si Direk Maning Borlaza. Bakit kaya hindi rin nila gamitin si Direk Maning para magturo sa mga director ngayon kung papaanong gumawa ng isang pelikulang magugustuhan ng publiko at kumikita sa takilya?

Iyan ang makapagliligtas sa industriya ng pelikula, kung kikita ang mga pelikula. Kung hindi nila gagawin iyan, baka dumating ang araw na wala nang ma-review iyang MTRCB dahil hindi na mailalabas for public exhibition ang mga pelikula, hindi naman kumikita eh.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with