^

Pang Movies

Solenn ina-under ang mister?!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

First wedding anniversary nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico kahapon. Sa unang pagkakataon, inilabas ni Sos (palayaw ni Solenn) sa kanyang blog ang ilang bahagi ng kasal nila na never pang nakita ng publiko.

Mistulang pelikula ‘yon na gawa ni Jason Magbanua na mahigit limang minuto ang tagal. Bawas ang pagiging kikay ni Solenn with matching tears habang binabasa ang wedding vow. Girl na girl siya sa lahat ng kuha sa kanya. Hindi kasi commercialized ang kasal ni Sos unlike ng ibang celebrities kaya naman pawang clips lang ang naglabasan last year.

After ng wedding, tinawag ni Nico si Solenn na isang Wifezilla. Kaya naman bilang patunay, nag-post siya ng video sa Instagram upang ipakita ang pagiging Wifezilla niya.

“After 1 year of marriage and @nicobolzico calling me Wifezilla one too many time, INTENSITY is what he got. How it is to be a wife and not changing who you are, up on solenn.ph (full movie of my wedding by Jason Magbanua is there too!),” caption ni Solenn.

Hindi naman ander de saya ni Sos si Nico. Kakaiba lang ang style ng lambingan nila. Saka bibig lang ang eskandalosa sa kanya. Walang ibang scandal na makikita sa blog niya!

Regine nalumaan kay Ariel!

Nalumaan si Regine Velasquez-Alcasid nang mahilingan silang magtitigan ni Ariel Rivera sa guesting nila sa Sunday PinaSaya kahapon. Magkapareha muli kasi ang dalawang sa GMA telefantasya na Mulawin vs. Ravena.

Para kay Reg, uncomfortable ‘pag hindi masyadong kilala ng isang tao ang makakatitigan niya. Mabuti na lang daw, kilala niya si Ariel kaya walang awkwardness kung magtitigan silang muli.

Eh wala naman kasing dapat ibalik sa nakaraan nina Regine at Ariel. Kapwa na silang happily married at hindi na kailangang gawan sila ng intriga para umingay ang muli nilang pagsasama.

Anyway, ipinarinig ni Regine ang version niya ng Ikaw Nga na theme song ng MVR. Sa totoo lang, higit itong mas madamdamin kumpara sa version ng boyband na Top. Kaya ang bersyon na lang ni Songbird ang gamitin sa tele­fantasya dahil mas punumpuno ito ng emosyon, huh!

Thea tapos na ang ‘paghihirap’ sa AlDub

Matitigil na ang panlalait ng ilang fans kay Thea Tolentino. Matatapos na kasi ang Destined To Be Yours kung saan siya ang third wheel sa character nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Nahuhukay din kasi hindi lang personal life ng Kapuso actress kung hindi maging ang mga taong malalapit sa kanya. Depensa ng netizens kay Thea, nagtatrabaho lang naman siya.

Maapektuhan man ang ilang fans, ibig lang sabihin ay epektibo ang pagganap niya.

Sa parte naman nina Alden at Maine, sa pagtatapos this week ng DTBY, pelikula naman ang kanilang next project. After Italy, sa ibang bansa naman sa Europe ang lokas­ yon ng shooting nila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with