^

Pang Movies

Dennis umaasang tatagal ang MVR!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Dennis umaasang tatagal ang MVR!

Tonight na ang airing ng Mulawin vs. Ravena, ang newest tele­fantasya ng GMA 7.

Tagumpay ang pagbabalik sa telebisyon ng Encantadia na nagbabu noong Biyernes at ito ang nagbigay-daan para ibalik ng Kapuso Network ang Mulawin.

To be fair, ang Mulawin ang kauna-unahan na telefantasya ng GMA 7 noong 2004 kaya nagkaroon  naman ng Encantadia noong 2005.

Napatunayan ng Encantadia 2016 na may audience pa rin ang mga tele­fantasya kaya ibinalik ng Kapuso management ang Mulawin vs. Ravena.

Starring sa Mulawin vs. Ravena si Dennis Trillo na hoping na tulad ng original Mulawin, tatagal ng pitong buwan sa telebisyon ang pinagbibidahan niya na telefantasya.

Kasama rin sa cast ng Mulawin vs. Ravena sina Regine Velasquez, Heart Evangelista, Lovi Poe, Carla Abellana, at marami pang iba.

Mga Billboard na nagkalat sa Edsa, tanggalin na rin

Pabor na pabor ako sa batas na mahigpit na ipinatutupad, ang Republic Act No 10913 o Anti-Distracted Driving Act, ang pagbabawal sa paggamit ng mga cellphone o anumang gadgets habang nagmamaneho at nakahinto ang sasakyan dahil sa red traffic light.

Ipinapaalis na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga rosaryo at ang mga anik-anik na  nakalagay sa dashboard  at windshield ng mga sasakyan  na sagabal o nakakalito sa pani­ngin ng mga driver.

Sige na, pabor ako sa mga ipinagbabawal ng LTFRB para maging safe ang lahat sa lansangan pero kailan naman kaya nila pakikialaman ang mga billboard sa EDSA na masakit sa mata at nagbibigay rin ng  kalituhan  sa mga motorista?

Eyesore ang mga giant billboard sa kahabaan ng EDSA. Nakakabuwisit na ang mga billboard na nakalagay sa mga lamppost at sa mga poste ng MRT.

Billboard country na ang EDSA pero walang ginagawa ang mga kinauukulan dahil ba sa nakikinabang din sila sa mga renta?

Ang ganda-ganda at napakaaliwalas ng EDSA sa tuwing may super typhoon sa Metro Manila dahil napipilitan ang mga negosyante na ibaba ang mga tarpaulin at billboard na pinagkakakitaan nila ng limpak-limpak na datung.

Ibinababa nila ang mga billboard para huwag masira ang mga materyales, hindi dahil baka may mga pedestrian na matamaan ng mga billboard at tarpaulin kapag humampas ang malakas na hangin.

Wish ko lang, hindi maging selective ang mga nagpapatupad ng Republic Act No.10913. Huwag lamang ang mga nakalagay sa dashboard at windshield at ang guma­gamit ng mga cellphone habang nagma­maneho ang puntiryahin nila. Isama na rin ang pagpapatanggal sa national highway ng mga naglalakihan na billboard at kapag nang­yari ito, lalo akong sasaludo sa mga nagpapairal ng batas.

Destiny ni Gil kagagawan ni Alden

Ngayon ang huling Lunes sa telebisyon ng Destined to be Yours, ang primetime teleserye nina Alden Richards at Maine Mendoza na magbababu sa darating na Biyernes.

Umapir kahapon si Maine sa Sunday PinaSaya para i-plug ang last week ng Destined to be Yours na papalitan ng My Love from the Star.

How ironic na si Alden ang original choice para gumanap na Matteo sa local adaptation ng My Love from the Star pero naghanap ng ibang aktor ang GMA 7 dahil gagawin nga nila ni Maine ang Destined to be Yours.

Bagay na bagay kay Alden ang Matteo role pero kapag hindi talaga ukol, hindi bubukol. Kung natuloy ang pagbibida ni Alden sa My Love from the Star, hindi magkakaroon ng showbiz career si Gil Cuerva na destined talaga na maging leading man ni Jennylyn Mercado.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with