^

Pang Movies

Jessy may patama kay Angel!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Sinagot ni Jessy Mendiola ang tanong ng isang follower sa kanyang Instagram account kung ano ang masasabi niya na mukhang magiging Hall of Famer si Angel Locsin sa FHM’s Sexiest Women.

“Ok lang, deserve naman niya ‘yun,” ang sagot ni Jessy.

Sa initial tally na inilabas ng FHM last Friday, May 19, pumapangalawa si Angel sa 2017 FHM 100 Sexiest Women in the World poll habang si Jessy naman ay hindi nakasama sa Top 10.

Dalawang beses nang nanalo si Angel bilang FHM Sexiest kaya kung mananalo siya this year ay pangatlo na niya ito.

Isang follower din ang sinagot ni Jessy in one of her post na nakapasok na raw siya last year kaya okay na ‘yun.

“Kasi nakapasok nako last year, ok na ‘yun, iba naman,” sey ni Jessy.

Sa nasabing partial and unofficial tally na inilabas ng FHM Philippines for 2017 100 Sexiest in the World, nangunguna si Nadine Lustre, followed by Angel, Rhian Ramos (no.3), Jennylyn Mercado (no.4), Marian Rivera (no.5), Anne Curtis (no.6), Angelica Panganiban (no.7), Toni Gonzaga (no.8), Bea Alonzo (no.9) and Arci Muñoz (no. 10).

Sa June 1 pa naman magtatapos ang botohan kaya pwede pang makapasok si Jessy kung magsisipag ang kanyang fans.

Coco at Yassi selyado na ang relasyon

Magsisimula na this week ang Book 2 ng FPJ’s Ang Probinsyano at may mga bagong mukha na madadagdag sa serye. Abangan sina Pokwang, father and son Lito Lapid and Mark Lapid, Jhong Hilario, Ejay Falcon, Sid Lucero, Angel Aquino at marami pang iba.

Ayon sa bidang si Coco Martin, hang­ga’t gusto ng tao ang kanilang serye, patuloy at patuloy silang gagawa ng kwentong maibabahagi sa manonood.

Matatandaang last Friday ay nag-trending ang eksenang kasalan ng mga karakter nina Coco at Yassi Pressman dahil sa ganda na rin ng pagkaka-mount nito at parang totoong kasal.

Pinag-usapan din ang ganda ni Yassi at ang kanyang bonggang Filipiñana gown habang si Coco naman ay pagkagwapo-gwapo sa kanyang barong. May nabasa kaming comment na parang birhen daw ang aktres at may nagsabi ring para raw diwata sa kagandahan.

Ang dami ring nag-comment sa social media na bagay na bagay daw talaga sina Yassi at Coco. Masayang-masaya ang solid fans ng team-up ng dalawa at may nagsabi pang mangiyak-ngiyak daw sila sa sobrang saya.

Marami ang nagtatanong kung ano ang mangyayari ngayon sa labanan nina Cardo (Coco) at Joaquin (Arjo Atayde) at ang masasabi lang dito ng Primetime King, marami pang maiinit na eksenang mapapanood kaya abangan.

Christian naadik din sa KDrama

Fan pala si Christian Bautista ng My Love from the Star Korean drama at sinubaybayan niya talaga nang ipinalalabas sa GMA 7 ang Tagalized version. Gandang-ganda siya sa serye lalo na raw sa technical aspect, gayun din ang flashback part.

Kaya naman nang malaman niyang magiging part siya ng Pinoy adaptation nito ay naging excited siya lalo pa’t ang ganda ng role na napunta sa kanya.

Ginagampanan ni Christian ang role ni Winston Libredo na kababata at kaibigan ni Steffi Chavez (Jennylyn Mercado) pero matagal nang nagmamahal sa dalaga.

First time niyang nakatrabaho si Jen sa isang teleserye kaya naman lalo pa siyang na-excite.

Kumusta namang katrabaho si Jen?

“Masarap. I’ve known her for a long time, nasa ABS-CBN pa ako. And dati nga, I would sing with her, sa mga concert niya. Pero ito, acting naman ito. So, I learned a lot from her, ang sarap niyang katrabaho kasi ‘yung karakter din niya, masaya, eh. Parang kenkay din pero ang daming laman sa loob. Masarap ka-acting si Jen,” he said.

Pinuri rin ni Christian ang leading man ni Jen na si Gil Cuerva.

“Gil is a hard worker and talagang he knows the risks, he knows the opportunity, the show, so he’s doing his best.”

Magsisimula na sa May 29 ang MLTFS at kasama rin dito sina Glydel Mercado, Gabby Eigenmann, Jackie Rice, Renz Fernandez, Melissa Mendez at marami pang iba.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with