Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nora malabo nang maayos ang boses?!

Kasaluku­yan palang pinapla­no, Salve A., ng mga solid Noranians, tawag sa hanggang ngayon ng mga tapat na tagahanga ng Superstar na si Nora Aunor, na ipagdiwang ang kanyang 50th year in showbiz.

Ito’y bukod sa balak din nilang tulungan si Guy (tawag sa showbiz) na ipagdiwang ang kanyang 64th birthday on Sunday, May 21. Well, by holding, hopefully, a big party for her.

How time flies. Taong 1967 nang nanalo si Guy sa Tawag ng Tanghalan.

There was no stopping for her, henceforth. In time, she was tagged as the Superstar of all time.

Naging mahusay siyang artista. Na siyang dahilan kung bakit bukod sa pagiging Superstar, kinilala rin siyang super actress.

But, of course, it was her voice which remained her constant asset.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Na ewan, kung bakit ngayon ay pinuproblema niya ng todo. Kung kani-kanino na raw siyang voice doctor kumukunsulta, para makabalik lang ang kanyang golden voice. And that included submitting to a throat surgery in 2012 in the US.

No wonder na ang biggest wish ni Guy for her 64th birthday ay ang makakanta uli gaya ng dati.

Well, let’s keep our fingers crossed na matupad ang wish na ito ni Guy sa birthday niya sa Sunday.

 Child actress na si Xia, pinag-ipunan si Charo

Seven year-old child actress Xia Vigor revealed na nag-ipon daw talaga siya ng pera, para maibili ang libro tungkol kay Charo Santos, former president and now consultant ng ABS-CBN, ang My Journey, The Story of An Unexpected Leader.

Ang nabanggit na libro raw ang isa sa kanyang special gifts sa kanyang mommy noong nakaraang Mother’s day. Ito’y bukod, of course, sa mga ipinagawa nilang balloons ng kanyang kapatid na lalaki.

Isa sa pinaka-talented child actresses of her time, Xia was last seen sa pre-It’s Showtime series, Langit Lupa kasama sina Jason Abalos, Patrick Garcia at Yam Concepcion. Also featured ang fellow child actress ni Xia na si Yvette Camille sa said series.

Dati rin siyang participant sa Your Face Sounds Familiar (YFSF) Kids, kung saan ang mga performers na pawang kabataan tulad ni Xia, ay gagayahin ang mga sikat na foreign at Pinoy singer.

Umani ng katakut-takot na good comments si Xia dahil sa impersonation niya kay Taylor Swift.

Pangarap daw talaga ni Xia ang  maging artista. Kaya, di raw siya magsasawang sumali sa mga kontes, mapa-singing man o mapa-acting.

Xia’ dad is British at Filipina naman ang kanyang ina.

Uge tuloy na ang kasal sa Italian

Tiyak masaya, Salve A., ang isang kilalang TV director, na good friend ni Eugene Domingo from way back, as they were also former college classmates, sa ibinu-broadcast ni Uge (palayaw ni Eugene), na next year na sila ikakasal ng kanyang Italian boyfriend na si Danilo Bottoni na isang film critic.

This year, though, still, according to Uge, she will concentrate on her showbiz career. Nagre-resume ang kanyang program na Celebrity Buff, kung saan this time ay makakasama niya ang seasoned TV host na si Edu Manzano.

Personal…

Happy birthday today, May 20, kay Lolit Solis, fellow columnist namin dito sa PM and a long-time friend as well.

Bukas, May 21, naman ang balik Riyadh, Saudi Arabia ng aming pamangkin na si Angela ‘Gel’ Duplon.

A nurse by profession, nagtatrabaho si Gel, na anak ng aming kapatid na si Mida, at ng kanyang asawang si Fausto (Duplon), sa isang ospital doon.

Bon Voyage, Gel. God bless. (Maligayang kaara­wan Nay Lolit. Sana ay mas maraming magregalo sa ‘yo dahil sa IG account mo. Hihihi. – SVA)

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: