Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sharon ‘di sure kung may fans pa

May dahilan naman pala para kabahan hindi lamang ang fans ni Sharon Cuneta kung hindi maging siya mismo. Umuwi na nga siya at nagsisimula na sa shooting ng kanyang pelikulang indie. Pero hindi mo maiaalis na kabahan sila, dahil isipin naman ninyo, ang huling pelikulang ginawa ni Sharon ay noon pang 2009, iyong Mano Po series ng Regal. Maliwanag na walong taon na siyang hindi gumagawa ng pelikula. Hindi lamang siya parang maninibago bilang isang aktres, kailangang isipin rin natin kung nandiyan pa ba ang audience niya matapos ang absence ng walong taon.

Iyong ibang sikat na artista, hindi man kumita ang mga pelikulang indie na ginawa nila, humakot naman ng awards. Iyan ang challenge ngayon kay Sharon. Huwag na nating gawing basehan si Vilma Santos na gumawa ng indie na nagka-award at hit pa. Doon na lang tayo sa karaniwan, iyong nanalo ng award kahit na hindi kumita. May dahilan nga para kabahan sila.

Gil ayaw magpaka-robot

Nagsimula bilang isang model si Gil Cuerva noong 2014. Isa siyang international model, hindi siya sa tabi-tabi lang nakuha. In fact, represented siya ng isang management firm sa kanyang mga international modeling jobs. Filipino-Spanish si Gil, pero lamang ang kanyang Asian features, kaya siya nakuha bilang leading man doon sa Filipino remake noong My Love From the Star kung saan ang kanyang leading lady ay si Jennylyn Mercado.

Iyang My Love from the Star, malaking hit iyan hindi lamang sa Korea at sa Pilipinas kung hindi ganoon din sa ibang Asian countries kung saan ipinalabas na rin iyan. Sinasabi ngang magkakaroon na rin iyan ng ibang foreign language translations para makapasok din sa European countries. Hindi natin maikakaila na dahil sa seryeng iyan, naging superstar ang leading man nila na si Kim Soo-hyung. Kaya ang tanungan ngayon, mangyari rin daw kaya iyon kay Gil Cuerva?

Inamin ni Gil na noong una niyang marinig na siya ang napiling leading man sa My Love From the Star ay medyo kinabahan siya. Pinanood daw niya ang original Korean version, sa unang araw mahigit na sampung episodes ang pinanood niya. Sa loob ng kuwarto na raw siya kumakain. Inamin din niya na nang magsimula na sila ng trabaho, halos isang buwan siyang may kaba. Noon na lang daw pumasok sila sa second month at saka siya naging confident. Medyo binago rin ang kanyang role. Ginawang mas Pinoy ang character, kaya pati pangalan ay pinalitan, ginawang Matteo Domingo. Sabi rin ni Gil, kung doon daw sa original ay parang robot ang kilos ni Matteo, dito sa Filipino remake ay mas normal ang kilos.

Kung titingnan mo rin si Gil, masasabi mong guwapo talaga siya. Talagang tipong matinee idol. Kaya hindi rin tayo dapat magtaka kung maging mabilis ang pagsikat niyan oras na magsimula ang serye nila sa May 29. Palagay namin kung ano ang naging reaksiyon ng mga tao noon kay Kim Soo-hyung, ganoon din ang magiging dating ni Gil.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sa feedback na narinig naman namin, ang ac­ting daw ni Gil ay mahusay. Hindi mo raw sasabi­hing first timer. May nagsasabi pa ngang “mas mahusay pa nga siya kaysa sa ibang dati nang artista”. Totoo naman iyon dahil may mga matatagal nang artista na hindi naman talaga natutong umarte.

Fans may apela sa Encantadia

Sige pa rin pala ang petisyon para ituloy pa ang Encantadia na tapos na ngayon. Totoo pa lang may gumawa ng ganoon petisyon. Pero kami, mapapahinga muna ang TV namin sa pagtatapos ng Encantadia, ang susunod naming panonoorin, iyong My Love From the Star, na sa susunod na linggo pa magsisimula.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: