Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Marian buntis na uli!

Magsisilbing boses si Ma­rian Rivera ng kuwento ng buhay ng ating Overseas Filipino Wor­kers (OFW) na GMA News & Public Affairs Program na Tadhana. Malapit sa puso niya ang kuwento ng OFW dahil nangyari na ito sa kanya nang mawalay ang ina para magtrabaho sa Europe.

“Bilang anak, nakakalungkot ‘yung lumalaki ka na nasa abroad ang nanay mo. Buti at nandiyan ang lola ko para alagaan ako at gabayan. Dahil sa programang ito, lalo akong naging malapit sa pamilya ko,” pahayag ni Marian na humarap sa press after ng 15-day vacation sa Greece, Italy, at Spain.

Sa Spain, nagkita ang anak na si Zia at Lolo Javier niya. First apo nito ang anak nila ni Dingdong Dantes.

“Eh, kini-claim ko na kamukha ko si Zia. Nang tanungin ko siya kung ako o si Dong ang kamukha, hindi siya makapag-decide. ‘Parang halo pero ako!’ So nakikihalo siya sa amin ni Dong,” chika ni Yan.

Ang pang-uto nga ni father niya kay Zia ay ang bilhan ng ice cream. “Mahilig kasi ang anak ko sa ice cream. Sa bahay may cheat day naman siya sa akin pero konti lang! Ha! Ha! Ha! Hindi naman bawal. Ayoko namang ipagbawal ang pagkaing hindi makakapagpahamak sa kanya. But not all the time,” saad pa niya.

Eh, ano naman ang bonding nila ni Dong?

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Kayo talaga! Wala! Pero may na-made naman. Pero wala in Spain! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Yan.

Wala silang me-time?

“Siyempre, meron naman. Pero ‘pag may kasama kang bata, hindi naman ‘yon ang priority namin. Kami, as a family. Makita namin si papa at saka kami nagpunta roon para dumalo sa kasal ng kaibigan,” katwiran ni Marian.

So walang announcement coming?

“Heto, Tadhana,” tugon niya.

Three months na ba?

“Sabi ni Ateng (Rams, her ma­na­  ger), Diyos ko, anak. Umayos ka sa sagot mo!’

“Wala. Trabaho muna ako. Sabi nga ng GMA, halos dalawang taon akong hindi nagtrabaho. It’s about time. Narating ko na ‘yung para sa sarili ko. Matagal din naman kasi akong nagpahinga,” hayag ni Marian.

Magaan-gaan pa ang trabaho ni Marian sa Tadhana na mapapanood na mamaya after ng Ika-6 Na Utos. Saka na lang siya magkukuwento sa series niyang The Good Tea­cher dahil ngaragan muli siya once umarangkada na.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: