Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Robin inis kay Aljur!

Robin Padilla

Hindi pa ni-reveal nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica ang name ng coming soon baby boy nila sa baby shower na naganap noong Huwebes, courtesy of Mariel Padilla.

May balita noon na Joaquin ang napili na pangalan nina Aljur at Kylie para sa kanilang magiging anak pero nag-deny ang aktres. Pumipili pa lamang daw sila ng pangalan para sa little prince nila.

Dahil si Mariel ang organizer ng baby shower, wondering ang madlang-bayan sa no-show ni Robin Padilla, ang ama ni Kylie.

Hindi pa naglalabas ng statement ang kampo ni Robin tungkol sa hindi nito pagdalo sa baby shower.

Certified lolo si Robin sa July 2017 dahil halos magkasunod na magsisilang ang kanyang mga anak na sina Kylie at Queenie.

Eight months older lang sa mga isisilang nina Kylie at Queenie si Isabella, ang anak nina Robin at Mariel. Magiging tita na si Isabella sa edad na walong buwan.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Cast ng Encantadia sabay-sabay na pinanood ang finale

Halos isang taon na nagkasama ang mga artista at production staff ng Encantadia kaya hindi nila napigilan na mag-emote sa last taping nila noong Huwebes.

May mga napaiyak dahil pamilya na ang trato nila sa isa’t isa.

Ginanap kagabi ang party ng Encantadia sa studio nito sa Makati City. Sabay-sabay  na pinanood ng stars at production staff  ang pagwawakas ng number one primetime telefantasya ng GMA 7.

Gabby malaki ang tulong kay Gil

Si Gabby Eigenmann ang nagkuwento na isang taon ang ipinaghintay niya bago umere ang My Love from the Star.

Na-delay ang taping ng Tagalog adaptation ng sikat na Koreanovela dahil naghanap pa ng aktor na ipapalit kay Alden Richards.

Si Alden ang original choice para sa alien character ni Matteo pero nagkaroon ng mga pagbabago kaya napasakamay ng baguhang aktor na si Gil Cuerva ang role.

Feel na feel ni Gil ang pressure dahil knows niya na si Alden ang unang choice bilang lead actor ng My Love from the Star.

Si Gabby ang kontrabida sa coming soon primetime teleserye ng GMA 7 at supportive siya kay Gil. Hindi maramot na tao si Gabby kaya binibigyan niya si Gil ng pointers tungkol sa wastong pag-arte.

Jackie Rice hiwalay na sa long-time dyowa

Mapapanood sa My Love from the Star si Jackie Rice bilang kaibigan ni Jennylyn Mercado.

Hindi isyu kay Jackie na suporta siya ni Jennylyn dahil friends sila.

Loveless sa kasalukuyan si Ja­ckie dahil naghiwalay na sila ng kanyang boyfriend na walang kinalaman sa showbiz. Pitong taon ang itinagal ng pakikipagrelasyon ni Jackie na ayaw munang ma-in love uli dahil gusto niya na mag-concentrate sa kanyang showbiz career.

Magandang aktres na pumatol daw sa tibo bumabiyahe sa abroad para sa BF

Natsitsismis na dyowa ng isang influential tomboyita ang aktres na maganda.

Hindi kapani-paniwala ang tsismis dahil hindi ang tipo ng aktres ang papatol sa kapwa babae.

To top it all, may boyfriend na guwapo at mayaman ang aktres. Working sa ibang bansa ang mhin na nagpapatibok sa puso ng aktres. Siya ang dahilan kaya umaalis ng Pilipinas ang aktres kapag may libreng oras ito para magkita at magtampisaw sila sa happiness.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: