Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Maine napansin ng idol sa Twitter

MANILA, Philippines -  Iba talaga ang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza. Nakatanggap kasi ang Destined To Be Yours lead star ng isang magandang sorpresa mula sa isa niyang idol.

Nag-reply kasi ang YouTube star na si Lilly Singh sa tweet ng Kapuso actress kung saan sinabi niyang gusto nitong makita ang idol nang malamang nasa Manila ito.

Agad naman itong sinagot ni Lilly ng “How sweet! Thank you! I hope to meet you one day as well.”

Samantala sa mga natitirang episodes ng Destined To Be Yours, may mauungkat si Benjie (Alden Richards) sa pag-iimbestiga niya sa alitan sa pagitan nina Teddy (Gardo Versoza) at Vicente (Tommy Abuel).

Sa paghaharap na sa korte ng dalawa, matapos na nga kaya ang gulo sa pagitan ng dalawang pamilya?

Benjamin na-friendzoned ni Carla

Hindi pa man nagtatagal matapos ang ending ng serye ni Benjamin Alves sa GMA na Pinulot Ka Lang Sa Lupa, isa na namang magandang role ang nakuha nito.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ito ay nang mapasama siya sa upcoming Primetime series ng Kapuso Network na I Heart Davao. Pero balita namin ay friendzoned dito ang binata dahil he is secretly in love with Carla Abellana’s character na si Hope na siya namang in love sa character ni Tom Rodriguez sa serye.

Ngayon pa lang, naiintriga na kami sa kung ano ang istorya ng I Heart Davao. At balita namin malapit na raw itong ipalabas sa GMA.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: