Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Mark Anthony namamayat na raw sa piitan! ; Winwyn aminadong hilaw pa sa pagsali sa Binibini

Itinabi muna ni Winwyn Marquez ang dream niyang maging beauty queen dahil isa siya sa bumubuo ng napakalaking cast ng telefantasiyang Mulawin vs. Ravena na idinidirehe nina Dominic Zapata at Don Michael Perez.

“May overlap po kasi kung itutuloy ko ang pagsali ko sa Miss World dahil sa July na ang presentation nito at sa October ang grand coronation night,” sabi ni Wyn.

“Bago po ang presentation kailangan ko nang maghanda, pero hindi pwede dahil sabay pa nito ang taping namin dito. May chance pa naman akong mag-join ulit sa Binibining Pilipinas next year, last chance ko na iyon dahil I will be turning 26 years old na. Ayaw kong magmadali sa pagsali tapos hindi mo naman maibibigay nang buo ang oras mo, baka hilaw ang kauwian nito. May alam na rin naman ako sa pagsali sa beauty pageant kaya alam ko na kung paano maghanda.”

Nakumusta namin si Wyn tungkol sa kuya Mark Anthony (Fernandez) niya at ayon sa kanya ay okey naman daw ito at madalas, kapag wala siyang work, sinasamahan niya ang mommy niyang si Alma Moreno, na dalawin ang kuya niya sa Angeles City. 

Medyo pumayat daw ito pero masigla naman kaya ang wish na lamang ni Wyn, maayos na ang kaso nito para makalabas na ang kuya niya.

Wala pa rin silang balak ni Mark Herras, ang boyfriend niya for one year and four months, na magpakasal. Si Mark nga raw ang gustong sumali muna siya sa beauty pageant para matupad ang kanyang dream. Going smoothly ang relasyon nila at may mga business silang pinagtutulungan, bukod sa busy sila pareho sa kani-kanilang project sa GMA 7. Kung noon nasa Encantadia siya, ngayon ay nasa Mulawin vs Ravena siya bilang si Ribay at nasasanay na raw siya sa pagsusuot niya ng costume. 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Si Mark naman ay mayroong afternoon prime sexy-comedy serye na D’ Originals

Sa Lunes na, May 22, after 24 Oras mapapanood ang pilot episode ng Mulawin vs. Ravena sa GMA 7.

Encantadia may payanig sa huling gabi

Grand finale na mamayang gabi ng minahal at sinubaybayang telefantasiya na Encantadia ng GMA 7 sa halos isang taon. 

Noong isang gabi, nag-post pa si Direk Mark Reyes sa kanyang Instagram ng blurred na picture , at ayon sa caption niya ay may isa pang diwata na papasok sa epic serye. 

Hindi niya sinagot kung sino ang ‘diwata’ basta sabi niya ay papasok ito ngayong gabi. 

“Wait for it, marami kaming pasabog sa gabing ito,” dagdag pa ni Direk Mark, mamayang gabi rin magaganap ang kanilang cast party pagkatapos nilang sama-samang panoorin ang grand finale.

Kaya mamayang gabi, masasagot na ng Encantadia ang katanungan kung maipagtatanggol ba ng mga Sang’gre ang Lireo, makatutulong ba sa kanila ang diwatang darating? May mga buhay bang mawawala sa mga Sang’gre at diwata sa huling laban ng Lireo sa mga Etherian na pinangungunahan ni Hagorn? 

Mabubuhay pa ba si Cassiopea at mababalik kay Emre ang Devas? Ano ang kamatayang darating kina Andora, Asval at Hagorn? Magtagumpay na kaya ang pag-iibigan nina Hara Danaya at Aquil, si Alena pa rin ba kay Ybrahim, paano si Ariana na nasa katauhan niya si Reyna Amihan? Mabubuhay na ba nang tuluyan sina Lira at Mira? Lahat ng iyan mamaya pagkatapos ng 24 Oras sa GMA 7.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: