Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Birthday ni Nora ‘di na pang-superstar?!

Kung ipagpilitan ng mga natitira pa niyang fans, si Nora Aunor daw ang nag-iisang Superstar. Siguro nga totoo rin naman iyon dahil iba na ang tawag sa ibang sikat na artista. Si Sharon Cuneta ay tinawag na Megastar. Si Vilma Santos na nananatiling sikat at in demand hanggang ngayon ay tinatawag namang Star for All Seasons.

May panahong si Judy Ann Santos ay tinawag ding “young superstar” pero dahil “old” na siya ngayon at medyo tagilid na rin naman ang kalagayan ng career ay hindi na niya ginagamit iyon. Kaya kung iisipin mo, tama rin namang si Nora lang ang nag-iisang Superstar. Iyon kasi ang tawag sa kanya. Hindi nangangahulugang dahil Superstar ang tawag sa kanya ay sikat pa siya. Hindi nangangahulugang box office hits pa rin ang mga pelikula niya.

Hindi rin iyon nangangahulugan na may hit records pa rin siya, dahil hindi na nga siya makakanta. Tinutulungan siya ngayon ng Ang Dating Daan para makapagpagamot, pero wala na rin namang magagawa siguro riyan dahil may edad na siya, at iba na ang boses ng isang taong may edad. Kung babalik ang boses niya na kagaya noong araw, aba milagro iyon. Tiyak na maraming aanib sa Dating Daan.

Nabanggit lang naman naming lahat ito dahil naalala namin, birthday ni Nora sa Linggo. Kung tama ang pagkakatanda namin, 64 years old na siya sa birthday niya. Kung iisipin mo, sa edad na iyan, dapat ay nagpapahinga na siya at may maginhawa nang buhay, lalo’t kung iisipin na isa nga siyang superstar noong panahon niya, at kumita nang napakalaki.

Noong araw basta birthday ni Nora, asahan mo na ang pagdating ng fans na sakay ng mga malalaking bus mula sa probinsya para batiin siya. Basta birthday niya, iyong TV show niya noon ay ginagawa sa isang malaking venue dahil inaasahan na ang napakaraming fans.

Noong nabubuhay pa si Kuya Germs, kahit na nga tagilid na ang career ni Nora, basta birthday niya, asahan mo na ang isang special presentation bilang tribute sa kanya sa show ng Master Showman. Pero ngayon wala si Kuya Germs, na sinasabi nga nilang pinaka-loyal na supporter ni Nora.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nakakalungkot, parang walang ginagawang pag­hahanda para sa birthday niya sa Linggo. Wala ba silang gagawin talaga para patunayang siya ang “nag-iisang super    star”?

Kris ‘di na binabanggit ang ipinagyabang na Hollywood film!

May isang komedyanteng Pilipino na kinilalang si Nico Santos, na siyang kasali sa pelikula ng Warner Bros. na Crazy Rich Asians. May official announcement na tungkol doon. Si Kris Aquino na unang nag-announce na kinuha siya para sa pelikulang iyon, at nagmamalaking may Hollywood movie na siya ang mukhang hindi nga nakasali. Walang announcement mula sa mga producer na kasali siya, at si Kris naman ay tahimik na ngayon tungkol sa kanyang “Hollywood movie”.

Balik na lang si Kris sa paggawa ng kanyang show na hindi rin naman ipalalabas sa TV. Mapapanood na lang daw iyon sa Facebook. Palpak din ang announcement diyan ha, kasi noong una ang announcement niya ang show niya ay ipalalabas sa GMA 7. Hindi rin pala kundi sa Facebook lang.

Mukhang sunud-sunod ang palpak na announcement sa career ni Kris Aquino ngayon. Siguro kahit siya hindi niya inaasahan iyan, dahil dati kung tawagin siya ay “Queen Of All Media”. Ngayon bumagsak na lamang siya sa social media.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: