Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

AiAi iniyakan ang P35 million na kita ng pelikula

Masayang-masaya si Comedy Queen AiAi delas Alas, ang buong cast ng Our Mighty Yaya, pati na rin of course ang producers na sina Mother Lily and Roselle Monteverde sa box office success ng pelikula kaya naman kahapon ay nagdaos sila ng thanksgiving and victory presscon na ginanap sa 38 Valencia Events Place.

Nasa 2nd week na ang showing ng pelikula at umaabot na sa P35-M ang box office gross sa isang linggong pagpapalabas nito.

Sa victory and thanksgiving presscon ay naging emosyonal nang maikwento niya na muntik na siyang mag-retiro sa showbiz.

“Three or four years ago, dumaan ako sa maraming pagsubok. Namatay ‘yung nanay ko, flop ‘yung movie namin, tapos, mahirap tanggapin ‘yun. Tapos, nahiwalay ako sa asawa ko, lahat ‘yon sunud-sunod na nangyari.

“So, sabi ko sa sarili ko, may nagawa ba akong hindi maganda?

“So, masamang kwestyonin si Lord, ‘di ba? Pero ‘pag nasasaktan ako nang time na ‘yun, natanong ko siya, ‘Lord  bakit? Ano’ng nagawa kong masama, ba’t nangyayari sa akin ‘to?’

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“And then, eto ‘yung sagot. Parang kaya ako emosyonal, eto ‘yung sagot – ‘anak, maghintay ka lang, kasi lahat ibabalik ko sa ‘yo sa tamang panahon’,” say ni AiAi.

Dahil sa success ng film, napatunayan din niyang marami pa ring tumatangkilik at naniniwala sa kanya.

Napaiyak na rin si Mother Lily sa mga pahayag ni AiAi at nagpasalamat sa Comedy Queen.

“You know what, AiAi? Thank you for ma­king me rich again,” sabi ni Mother.

Coco isinalba ni Agot

Isang nakakagulat na eksena ang napanood sa FPJ’s Ang Probinsyano last Wednesday kung saan ay aksidenteng naba­ril ni Joaquin (Arjo Atayde) ang kanyang sari­ling ina na si Verna Tuazon played by Agot Isidro nang iharang niya ang sarili para hindi mapatay ng anak niya si Cardo (Coco Martin)

Hindi handa ang manonood sa bagong twist na ito kaya ang tanungan ng lahat ay kung tuluyan na bang mamamaalam ang karakter ni Agot na almost two years din nating napanood sa serye.

Sa kanyang Instagram account ay nagpasalamat si Agot sa lahat ng sumubaybay sa journey ni Verna Tuazon, gayundin sa Dreamscape Entertainment at sa lahat ng mga nakatrabaho sa serye.

“Salamat sa lahat nang nagmahal, nainis at umintindi kay Verna. I want to thank my @dreamscapeph family, everyone involved in #fpjsangprobinsyano, the cast, directors, production staff, the crew for their tireless dedication to the show.

“One cannot imagine the amount of hard work that we all put in the show. Pero ang walang sawa nyong pagsubaybay ay ang inspirasyon naming lahat,” ang bahagi ng post ni Agot.

At para naman sa bida ng show na si Coco Martin, ang ganda ng mensahe ng aktres.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: